Mas mahirap nang makaakyat sa Immortal rank ngayon sa Valorant patch 5.0. Kasi nga naman, idinagdag ng Riot Games ang isang bagong rank na kung tawagin ay Ascendant.
Ang bagong rank na ito ay nasa gitna ng Diamond at Immortal. Nirerepresenta ito ng emerald green badge at mayroon din itong tatlong level tulad ng mga rank sa ilalim nito.
Maaari mong asahan ang mga pagbabago sa rank distribution sa Episode 5 Act I dahil tinatrabaho rin ng Riot ang pag-redistribute ng players para sa panibagong competitive rank.
Nasa gitna ng Diamond at Immortal ang Ascendant

Ayon sa Riot, masyadong maraming manlalaro na nasa lower ranks tulad ng Bronze at Silver, at layon nilang hikayatin ang players na umangat at makaalis sa mga rank na ito. Ngunit mao-overpopulate naman ang Platinum at Diamond ranks na binubuo ng nasa 15 percent ng lahat ng players.
Nagbibigay ang Ascendant ng mas malaking space para sa Diamond players na umangat habang pinapanatili ang pagiging prestihiyoso ng mas matataas na ranks. Pwede rin itong makatulong para mas lalong matukoy ang skill level sa bawat rank at maiwasan ang malaking gap sa pagitan ng mga nasa taas at ibaba ng bawat ranggo.
Nangangahulugan ito na ang hidden rank MMR targets na tumutukoy sa iyong actual rank ay bababa para sa lahat ng mga nasa ilalim ng Ascendant. Sa kabilang banda, ang targets naman para sa Immortal at Radiant ay tataas.
Sa bagong Act, ang mga player na naka-rank sa ilalim ng Ascendant ay aangat habang ang Immortal players ay maaaring mahirapan na makabalik sa kanilang previous rank. Dahil dito, magkakaroon ang Immortal ng mas maliit na leaderboard population sa lahat ng regions.

Sa Episode 5, ang rank reset na kaakibat ng bawat bagong Episode ay mas magaan. Aktibong tinutulak ng Riot pataas ang player base para punuin ang Ascendant kaya naman mas kaunting rank ang kakailanganin mong akyatin para maabot ulit ang nakaraan mong rank.
Samantala, ang pinakamataas na posibleng placement ay tumaas mula Diamond 1 patungong Ascendant 1. Ipapataw na rin ang 25% RR penalty sa mga five-stack queues sa Immortal 1 sa halip na Diamond 3.
Ang Episode 5 Act I ay magsisimula sa ika-22 ng Hunyo.
Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Valorant news, guides at highlights.
Salin ito ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.