Natanggap ng Team Secret ang kanilang huling talo sa VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs sa kamay ng XERXIA.

Sa unang game ng lower bracket finals, mahusay ang simula na ipinakita ng Secret na kumuha sa unang limang rounds para sa maagang kalamangan, nagtapos ang unang half sa score na 10-3.

Naging highlight din sa Round 9 si Jessie “JessieVash” Cuyco sa pagpitas niya sa tatlong kalaban, na kanyang inulit sa Round 14.

Parang dumaan lang ang ikalawang half na nagtagal lamang nang tatlong rounds. Nagtapos ang Game 1 sa isang 4v1 situation pabor sa Secret na tinapos ni Jim “Borkum” Timbreza upang makuha ng Secret ang Haven sa score na 13-3.

Kakaibang XERXIA naman ang nasaksijan ng marami sa Ascent para sa Game 2. Hindi pumayag ang Thai team na hindi makuha ang lamang sa pagtatapos ng first half 7-5.

Nakuha ng Thai squad ang match point sa Round 18 12-6. Dito nagsimulang mag-init muli ang Team Secret na kinuha ang 4 na magkakasunod na rounds. Ngunit sa Round 23, tuluyang tinapos ni Thanachart “Surf” Rungapajaratkul ang game 13-10, nang malikuran niya si Jayvee “DubsteP” Paguirigan.

XERXIA wins over Team Secret VCT APAC Stage 2 Challengers
Credit: PPGL

Sa Icebox pinagdesisyunan ang kapalaran ng dalawang teams. At tulad ng sa nakaraang game, XERXIA ang nagdikta ng takbo ng laban, kung saan naisara nila ang unang half sa score na 8-4.

Parang kasaysayan na umulit, muling nakuha ng XERXIA ang match point sa Round 18. Sinubukan din ulit habulin ito ng Secret kung saan nakuha nila ang dalawang sumunod na rounds. Ngunit sa Round 21 ay naging mas matibay ang depensa ng team mula sa Thailand, tinapos ang series sa isang Flawless win 13-8.

Nakuha ng XERXIA ang ikalawa at huliong slot ng rehiyon upang maging kinatawan sa Masters Copenhagen. Magpapatuloy rin sila sa grand finals upang harapin ang Paper Rex.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.