Inanunsyo ng Team SMG ang kanilang kauna-unahang all-female Valorant roster, na binubuo ng mga core ng dating Renatus White. Ang bagong squad ay lalaban sa VCT Game Changers APAC 2022 series, pati na rin sa main VCT circuit.

Ang orgasnisasyon, na pagmamay-ari ni JJ Lin, ay walang team na lumalaban sa VCT sa kasalukuyan, at ang bagong roster ang magiging kaisa-isa nitong Valorant team.

Ang all-female roster ay ang magiging kaisa-isang Valorant team ng Team SMG

Ang Singapore core nina Abigail “Kohaibi” Kong, Yu Ting “Envious” Ewa, at Kellyn “Kaephrodite” Sim ay matagal nang magkakasamang naglalaro sa FSL Valorant circuit, bago pa ito maging opisyal na VCT Game Changers APAC.

Sa ilalim ng Renatus White, nakuha nila ang ikatlong pwesto sa VCT Game Changers SEA: FSL Elite tournament ng nakaraang taon, kung saan tampok ang walo sa mga nangungunang all-female rosters sa rehiyon.

Dumagdag ngayon sa team ang dalawang bagong Thai players na sina Jularat “YOKY” Buaphan at Wanwisa “fixky” Pannil. Magiging coach nila si Alex “falfalfal” Cheang, na dating naglalaro para sa original Valorant roster ng Team SMG.

Team SMG Valorant roster

  • Abigail “Kohaibi” Kong (Captain)
  • Yu Ting “Envious” Ewa
  • Kellyn “Kaephrodite” Sim
  • Jularat “YOKY” Buaphan
  • Wanwisa “fixky” Pannil

“We have always been invested in nurturing the esports scene in Southeast Asia and with our new roster, we are confident in providing support to maximize the potential in our new roster,” sabi ni Orrin Xu, General Manager ng Team SMG.

“Our all-female roster will be our sole Valorant roster and will receive the same extent of support that we have for our Dota 2, MLBB, and PUBG Mobile rosters. We aim to represent APAC in the global Game Changers tournament, as well as compete in the main VCT Malaysia/Singapore qualifiers.”

Unang lumaban ang team sa ilalim ng Team SMG banner sa VCT Game Changers APAC Open playoffs noong March 3.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.