Kinuha ng Southeast Asian esports organization na Team SMG sina Wang Jing “Jinggg” Jie at Ingram “Freyr” Tan bilang mga bagong miyembro ng kanilang Valorant roster.
Nagsimula ang player shuffle ng squad noong June 24, 2021, nang magdesisyong umalis sa team ang resident sentinel at site anchor specialist nialng si Javier “Egoist” Chua. Nagbukas ito ng spot para sa Valorant roster ng Team SMG.
Duelist main si Jinggg simula pa lang ng kanyang Valorant pro career, habang si Freyr naman ay nasa sentinel role.
Ang dalawang players ay teammates mula pa noong late last year nang maglaro sila para sa Reality Rift, hanggang magdesisyon ang organisasyon na bitawan ang kanilang Valorant roster noong March 2021. Ang dalawa ay patuloy na naglaro sa kabuuan ng VCT Malaysia & Singapore Stage 2 competition.
Team SMG’s Valorant roster for VCT Stage 3 Challengers 1
- Muhammad “ZesBeeW” Musharraf Bin Mohtar (captain)
- Alex “falfalfal” Cheang Wee Keong
- Ingram “Freyr” Tan
- Joshua Damien “JdFaker” Fok
- Wang Jing “Jinggg” Jie
- Lee “LEXY” Jun Hao Xavier (inactive)

Ang updated roster ay maglalaro sa darating na VCT Malaysia & Singapore Stage 3 Week 1 Qualifier sa July 3. Ang mga qualified teams ay tutuloy sa Week 1 Playoffs habang ang top 4 teams ay tutuloy sa Week 2 ng Playoffs.

Ang lahat nang kasaling teams sa mga VCT Stage 3 Challenger competitions ay nagnanais na makapasok sa VCT Stage 3 SEA Challenger Finals, kung saan ang mananalo ang kakatawan sa Southeast Asia sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Lagay ng Team SMG sa VCT 2021 season

Ang Valorant roster ng Team SMG ay isa sa mga top contenders ng VCT Malaysia & Singapore region. Ang all-Singaporean squad ang runner-up sa VCT Malaysia & Singapore Stage 1 Challengers 1 at 3, at nakakuha ng second-place finish sa VCT SEA Stage 1 Masters.
Ang pinakahuling tournament run ng Team SMG ay nagtapos sa isa na namang second-place finish sa VCT Malaysia & Singapore Stage 2 Challengers 3.