Ang mga elite na koponan mula sa bawat VCT international league ay nalampasan ang kanilang mga katunggali at nakakuha ang mga tickets papuntang VCT Masters Tokyo, isang pandaigdigang tournament ng Valorant na magaganap mula June 11 hanggang 25.

Matapos ang mahabang regular season at isang high stakes na playoff campaign, ang mga pangunahing rehiyon — Pacific, Americas, at EMEA — ay magpapadala ng tatlong kinatawan patungong Japan. Bukod dito, dahil nanalo ang Fnatic sa VCT LOCK//IN, nakuha nila ang karagdagang isang slot para sa kanilang rehiyon sa event na ito.

Kasama rin sa mga international league teams ang dalawang highest ranking squads mula sa China, na nakamit ang kanilang qualification sa pamamagitan ng FGC Valorant Invitational Act 1.

Ang VCT Masters Tokyo ay ang ikalawang pandaigdigang Valorant LAN event ng taon bago ang Valorant Champions 2023.


Kumpletong listahan ng mga qualified teams sa VCT Masters Tokyo

VCT Masters Tokyo trophy
Credit: Riot Games
REGION AND QUALIFICATION PATHTEAM
1st in VCT Pacific LeaguePaper Rex
2nd in VCT Pacific LeagueDRX
3rd in VCT Pacific LeagueT1
1st in VCT Americas LeagueLOUD
2nd in VCT Americas LeagueNRG Esports
3rd in VCT Americas LeagueEvil Geniuses
1st in VCT EMEA LeagueTeam Liquid
2nd in VCT EMEA LeagueFnatic
3rd in VCT EMEA LeagueFUT Esports
4th in VCT EMEA LeagueNatus Vincere
1st in FGC Valorant Invitational Act 1 — ChinaAttacking Soul Esports
2nd in FGC Valorant Invitational Act 1 — ChinaEDward Gaming

Hindi pa inilalabas ng Riot Games ang format ng tournament, ngunit ang group stage ay magsisimula na sa June 11 at magpapatuloy hanggang June 14. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang kompetisyon sa playoffs mula June 15 hanggang 21. Sa huling yugto ng kaganapan ay maglalaban-laban ang mga finalists para sa Masters trophy sa June 24 at 25.

Ang event ay magaganap sa dalawang lugar. Ang unang venue ay ang Tripstar Dome, na matatagpuan sa Chibi Park. Ang ikalawang venue naman ay ang Makuhari Messe convention center sa labas ng Tokyo.

Maaaring manood ang mga fans ng mga laban sa VCT Masters Tokyo nang live sa opisyal na global Valorant channels ng Riot Games sa Twitch at YouTube.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.