Para sa star duelist ng Sentinels na si Tyson “TenZ” Ngo, si KAY/O ang may best flash sa Valorant

Nagiging mas sikat na si KAY/O sa bagong Valorant meta. Isang malaking rason ay dahil sa kaniyang flash, sabi ni TenZ. 

Matapos lumabas ang patch 4.04 sa mga tournament servers sa Week 5 ng VCT NA Stage 1 Challengers group stage, tumaas mula sa 27 percent patungong 45 precent ang pick rate ng robotic initiator na ‘to. 

Ipinaliwanag ni TenZ ng Sentinels kung bakit may best flash si KAY/O sa Valorant 

Valorant TenZ KAY/O best flash
Credit: Riot Games

Nakapaimportante ng flash sa Valorant, lalong-lalo na sa pagatake dahil makakatulong ito mabulag ng team ang kalaban. Ang mga agents tulad nina Breach at Skye ay napatunayan nang kailangan sa mabilis na push dahil sa kanilang kakayan na patumbahin ang mga defenders sa mga sulok-sulok ng mapa. 

Habang ang pinakakakaibang ability ni KAY/O ay ang kaniyang Zero/Point blade na nagpipigil sa mga agent abilities, ang kaniyang Flash/Drive flashbang ay maari maging kaniyang best ability sa laro. 

“KAY/O’s flashes are the best flashes in the game,” sabi ni TenZ. “You could set up a perfect pop flash and it will work every single time.” 

Kinumpara din ni TenZ ang flash ng robot agent sa mga katulad nito sa CS:GO. Parehas ito gamitin: ikaw ay dapat mag left-click para maitapon ito sa malayo, o right-click para maitapon ito sa malapit. 

“In CS people would have lineups and god flashes, which you literally can’t do anything against. You have to watch a VOD of them throwing the flash so you know how to dodge it,” paliwanag ni TenZ. 

“When I played Rise on Haven, I was literally looking out for the flash,”ani niya. “I could not see the flash. I knew it was coming every time, but I just didn’t see where it was coming from so I just got full-blinded every single time.” 

Isa sa mga rason kung bakit napakalakas ng Flash/Drive ay dahil hindi ka makakarinig o makakakita ng mga senyales na may paparating na flash, sabi ni TenZ. 

Isang sikat na pick si KAY/O sa Breeze at Ascent sa kasalukuyang VCT NA meta sa kaniyang 100 percent at 70 percent pick rate. Ngunit dalawang linggo pa lamang ang nakalipas sa bagong patch, kaya maaring magbago pa ito. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Why Sentinels’ TenZ believes KAY/O has the best flash in Valorant.