Nagbigay ng dagdag patunay ang Sentinels na sila ang pinakamalakas na Valorant team sa buong mundo matapos magtala ni Tyson “TenZ” Ngo ng pinakamataas na average combat score (ACS) sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Umabot sa 478 ang ACS ng tanyag na duelist isa isang laro kontra F4Q. Nabasag nito ang naunang 433 ACS record nina Alexandre “xand” Zizi ng Furia at Tobias “ShadoW” Flodström ng FunPlus Phoenix na naitala noong VCT Brazil Stage 1 Masters at VCT EU Stage 1 Masters, ayon sa pagkakabanggit.

Paano nakapagtala si TenZ ng Sentinels ng record-breaking ACS sa VCT Masters Berlin

F4Q versus Sentinels sa VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Sinimulan ni TenZ ang pistol round sa ikalawang mapa na Breeze nang may 4K kontra F4Q ng South Korea para idikta ang tempo ng laro.

Kahit apat na first-blood kills lang ang naitala ni TenZ sa kabuan ng laro, nanatili pa ring cconsistent ang kanyang performance matapos limang ulit na magtala ng tatlong kills kada round.

Kumuha ang Sentinels ng mga agents na may resources para makakalap ng impormasyon tungkol sa kalaban. Sa tulong ng Skye ni Hunter “SicK” Mims, Sova ni Shahzeb “ShahZaM” Khan, Killjoy ni Michael “dapr” Gulino, at Viper ni Jared “zombs” Gitlin, madaling nakakapag-setup ng one-on-one engagements si TenZ kontra F4Q.

Nagpakitang-gilas din ang tanyag na duelist sa kanyang husay gumamit ng iba’t-ibang baril. Kahit Ghost, Marshall, Phantom, Vandal, o Operator man ang kanyang gamitin, siguradong walang palya ang kanyang tutok.

Bago pa nga umabotsa half-time ng ikalawang mapa, nakapagtala na agad si TenZ ng masmaraming kills kumpara sa pinagsama-samang kills ng kanyang buong koponan.

Tinapos ng Sentinels ang best-of-three serye kontra koponan ng South Korea sa Breeze sa score na 13-4. Bukod sa record-breaking na 478 ACS, nakapagtala rin ang Jett ni TenZ ng 32/7/1 na KDA.

Sentinels: SicK, ShahZaM, dapr, TenZ, zombs
Credit: Riot Games

Muling kakaharapin ng kinatawan ng North America ang G2 Esports sa ika-anim na araw ng VCT Stage 3 Masters Berlin. Maaaring subaybayan ang bakbakan sa opisyal na Twitch at YouTube channel ng Valorant.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.