Ang Valorant superstar na si Tyson “TenZ” Ngo ay isa nang opisyal na miyembro ng Sentinels roster.

Tama, ang Grand Final MVP ng Valorant Champions Tour (VCT) Stage 2 Masters ay hindi na kailangang mag-alala para sa kanyang future.

Pumutok ang balita nang i-report ng The Esports Observer na nailipat na ng Cloud9 si TenZ papuntang Sentinels pa sa isang undisclosed na “seven-figure-deal.”

Hindi alam ng mga Sentinels players na may negosasyon nang nagaganap patungkol kay TenZ habang sila ay naglalaro sa tournament

Valorant Sentinels VCT Stage 2 Masters Post 3

Inihayag ng Sentinels team captain Shahzeb “ShahZaM” Khan sakanyang Twitch stream pagkatapos makabalik mula Reykjavik, Iceland na walang alam ng team tungkol sa nangyayaring negosasyon.

“Only our manager knew. They told us after we won,” sabi ni ShahZaM.

Ayon sa NA esports reporter na si Tyler Erzberger, nagbayad ang Sentinels ng US$1.25 million para i-buy out ang kontrata ni TenZ mula sa Cloud9.

Sa post-Grand Final interview, sinabi ng stand-in player ni TenZ na nais nyangmagpatuloy sa paglalaro para sa Sentinels, sa kabila ng kanyang kontrata sa Cloud9.

“This team honestly is so amazing. I have fun with them. I can trust all of them. They’re just the best team I’ve ever had. I would stay if I could, and I hope I could. So, I’m praying,” sabi ni TenZ.

Anong susunod?

Valorant Sentinels VCT Stage 2 Masters Post

Hindi na kailangang mag-alala ng team tungkol sa pagkawala ni TenZ para sa mga susunod nilang tournaments. Matapos manalo sa Master Reykjavik, plano ng Sentinels na patuloy na maghari sa North American Valorant scene sa parating na Challengers qualifiers ng VCT Stage 3, at ituon ang kanilang atensyon sa susunod na Masters competition na gaganapin sa Berlin, Germany sa September 9-19.