Mula sa kaniyang mga mataas na IQ Among Us plays hanggang sa mga cute na art illustrations niya, tila sumisikat na si Tina “TinaKitten” bilang isang Twitch streamer.

Sa kaniyang mahigit 800,000 followers sa platform, maari bang maging susunod na prospect ang casual gaming enthusiast na ito sa LA-based organization na 100 Thieves?

Tinukso ng 100 Thieves ang signing ni TinaKitten
TinaKitten Mural
Credit: 100 Thieves

Ngunit hindi pa pormal na inanunsyo ang pagpirma ni Tina, may namataan na ang mga fans na isang mural na nakapinta sa Cash App compound ng 100T.
 

Nakita sa pink na mural ang Twitch profile picture ni Tina kasama ang kaniyang signature icons na putting pusa at isang karot.

Kahit na nabunyag na ang sikretong ito, nakiki-ride pa din ang 100 Thieves sa reveal, at sinabing magbubukas sila ng imbestigation sa tweet na iyon.

Ang pagiging malapit ni Tina sa 100T streamer na si BrookeAB

Kung hindi pa sapat na ebidensya ang pink na TinaKitten mural para sa’yo, malapit din ang streamer na ito sa 100T member na si Brooke “BrookeAB” Bond.

Mula sa pagbake ng cake hanggang sa pagkakarera sa Garfield Kart, mayroong solid na chemistry ang dalawa na maari maging magandang bagay para sa 100T.

Dagdag pa diyan, ang maaring signing ni Tina ay maaring magbukas ng mas marami pang oportunidad para sa collaboration kasama ang iba pang myembro ng 100T tulad nina Jack “CouRage” Dunlop at Kyedae Shymko.

UPDATE: Ibinunyag na ng 100 Thieves ang opisyal na signing ni TinaKitten sa pamamagitan ng katawa-tawang video na nagpapatuloy sa ‘prank war’ saga ng 100T.

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at highlights tungkol sa mga streamers.