Pinangalanan ni Shahzeeb “ShahZaM” Khan ng VCT Stage 2 Reykjavik champion Sentinels ang kanyang top 4 teams sa VCT NA base sa 2021 season.
Ibinahagi ng prangkang pinuno ng pinakamahusay na Valorant team sa buong mundo ang kanyang palagay sa kung aling roster ang nararapat na mapabilang sa listahan, at tukuyin kung sino sa mga ito ang may potensyal na umabante sa liga.
Ang top 4 teams ni Sentinels ShahZaM

Nirangguhan ni Sentinels ShahZaM ang kanyang team bilang pinakamahusay, binanggit din nya ang Team Envy, XSET, at 100 Thieves bilang mga nangungunang squads sa rehiyon.
Ang top 4 teams na na kanyang pinangalanan ay ang mga best performing teams sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Main Event, isang tournament na napanalunan ng Sentinels.
Sentinels ShahZaM ni-rank ang ibang mga North American squads

Pinangalanan din ng 27-anyos na pro player ang Version1, Gen.G Esports, Cloud9 Blue, at FaZe Clan bilang ilan sa mga top teams sa VCT NA. Binigyan din nya ng honorable mention ang Andbox dahil sa potensyal ng roster nito.
Sa mga teams na nabanggit ni ShahZaM, tanging Gen.G Esports, Version1, at FaZe Clan lamang ang mga nakapasok sa paparating na VCT NA Stage 3 Challengers 2 Main Event.
Ang dalawang squads na binigyan ni Sentinels ShahZaM ng pinakamababang ranggo ay ang Built By Gamers at NRG, dalawang teams na nag-underperform sa 2021 VCT season.
Ang Sentinels ay nakatakdang lumaban sa VCT NA Stage 3 Playoffs sa August 11. Apat pang teams mula sa VCT NA Stage 3 Challengers 2 Main Event ang aabante upang samahan sila.
Ang top eight North American Valorant teams sa Playoffs ay maglalaban naman upang makapasok sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Maaaring panoorin ng mga fans ang Playoffs live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.