Opisyal nang pinakawalan ng TSM FTX si Taylor “drone” Johnson mula sa kanilang Valorant roster matapos mabigong makapasok ng team sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Main Event.

Inihayag din ng TSM FTX na magdaraos sila ng trials upang makahanap ng pamalit kay drone at magiging bagong ikalimang myembro ng team para sa NA Challengers Open Qualifier.

Valorant roster ng TSM FTX para sa VCT NA Stage 3

Valorant TSMFPXVCTStage3Bootcamp
Credit: TSM FTX
  • James “hazed” Cobb
  • Matthew “Wardell” Yu
  • Yassine “Subroza” Taoufik
  • Sean “bang” Bezerra
  • Chet “Chet” Signh (coach)

Bago nagsimula ang VCT NA Stage 3, dumaan sa maraming pagbabago ang Valorant roster ng TSM FTX, nadagdag ang batang up-and-coming player na si bang, at ang dating NRG na si ciach Chet.

Nalaglag naman ang bagong roster ng mula sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifier matapos talunin ng Noble sa iaktlong round ng kompetisyon.

Valorant VCTNAStage3BroadcastSchedule
Credit: Riot Games

Kasalukuyang naghahanap ang TSM FTX ng kanilang ikalimang myembro bilang paghahanda para sa susunod na VCT NA Stage 3 Challengers 2 Open Qualifier na nakatakdang ganapin sa July 22, 2021.

Ano ang susunod para kay drone?

Valorant TSMFTXValorantRosterdroneVCTNAStage3
Credit: TSM FTX

Si drone ay isa sa mga orihinal na myembro ng TSM FTX na pumirma noong May 2020 nung kilala pa ito sa pangalang “mouseSpaz” at ang Valorant ay nasa beta phase pa lamang.

Mula nung sumali sya sa Valorant roster ng TSM FTX, natulungan ni drone ang team na manalo sa dalawang Ignition Series tournaments at may malaking ambag din sa pagkuha nila ng second place sa First Strike North America Championship ng Riot Games.

“What a ride it’s been,” pagbabalik tanaw ni drone sa kanyang pahayag. “I wouldn’t trade the time the squad and I had for anything, but it is time for a new chapter.”