Mukhang mainit talaga ng Riot Games sa dagger-wielding highflyer ng Valorant matapos madiskubre ng community ang mga bagong Jett nerfs.

Hindi masyadong pinansin ang Valorant patch 3.08 sa kadahilanang wala naman malaking pagbabagong ginawa sa mga agents.

Ang patch ay naka-focus sa quality of life, pero ayon sa Riot Games, kasama sa patch ang ilang kapansin-pansing pagbabago kay Jett na tinuturing nilang ‘bugs’.

Paano nagtagal ang di sinasadyang Jett nerf ng Riot Games sa Valorant patch 3.08?

Valorant RiotGames unintentionally nerfs Jett
Credit: Riot Games

Sa isang tweet ng Riot Games, ipinaliwanag ng developer na ang equip recovery ng kanyang weapon pagkatapos ng kanyang Tailwind dash ay mas matagal, mas mataas din ang cost ng kanyang Updraft. Pati na rin ang kanyang Bladestorm ultimate, mas matagal ma-equip pagkatapos ng Updraft.

Ipinaliwanag ng mga developers na nadiskubre nila ang mga bugs matapos ilabas ang Valorant patch 3.08, at wala silang balak ayusin ito hanggang sa susunod na patch dahil hindi naman Malala ang mga nerfs.

Nais ng mga pro players na panatilihin ang Jett nerfs

Ang mga sikat na Jett mains, kabilang sina Tyson “TenZ” Ngo, Andrej “babybay” Francisty, at Lucas “Mendokusaii” Håkansson, ay sumasang-ayon na dapat panatilihin ng Valorant ang Jett nerfs mula sa Valorant patch 3.08.

Nagpahayag din ng opinyon si Spencer “Hiko” Martin, at umaasang pananatilihin ng Riot Games ang mga pagbabagong ito.

Ilang beses nang na-nerf ng mga developers ang duelist na ito, subalit nananatili pa rin sya bilang isa sa mga pinaka popular na agent sa pro at ranked matches.

Minsan nang sinabi ng Sentinels team captain na si Shahzeeb “ShahZaM” Khan na si Jett ay isang malaking problema sa Valorant, at ipinaliwanag nyang tanging si Jett lang ang may kayang gumamit ng Operator nang maayos dahil sa kanyang Tailwind dash.

Sa kabila ng mga biglaan at di sinasadyang mga nerfs, patuloy pa ring ginagamit ng mga players ang speed demon ng Valorant.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.