Nasa isang misyon si Ankit “V3Nom” Panth na ipakita na kayang gawin ng mga esports athletes ang kahit ano mang gusto nila. Matapos ang mahigit isang dekada ng paglalaro ng Counter-Strike, nagpasya siya na lumipat mula sa CS:GO patungong Valorant

Bilang isang role model sa lumalaking esports scene ng India at isa sa pinakasikat na CS:GO pros ng kaniyang bansa, pinakita ng 32-year-old na beterano na kahit na nakakatakot sumabak sa isang bagong competitive esport, maari kang maging matagumpay kapag masipag at may tamang mindset ka. 

As a role model to India’s growing esports scene and one of the country’s most recognized CS:GO pros, the 32-year-old veteran has shown that while tackling a new competitive esport is a daunting task, it can be overcome with hard work and the right mindset. 

Kinailangan aralin ni V3Nom ang mga bagong mechanics at tactics sa Valorant 

Valorant V3Nom
Credit: V3Nom

Mula pa nilabas ang tactical FPS ng Riot, marami nang mga professional CS:GO players ang lumipat sa Valorant. Sa katunayan, ang kauna-unahang first-person shooter ng Riot Games ay dominado ng mga dating CS:GO pros noong una itong lumabas, dahil sa mga pagkakaparehas ng dalawang laro. 

Ngunit ang hindi alam ng mga fans na ang hindi garantisadong advantage ang isang background sa CS:GO. 

Habang parehas silang tactical shooters, bagong laro pa rin ang Valorant. Alam ni V3Nom na kailangan niyang kalimutan ang lahat ng natutunan niya sa CS:GO, dahil ang shooter ng Riot ay may sariling stratehiya at mechanics. 

Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay ang iba’t-ibang agents sa Valorant. Iba’t-ibang roles naman ang pwedeng gamitin ng mga players ng Couner-Strike, ngunit lahat ng players ay maaring bumili ng pare-parehas na utiltiy at umangkop sa mga kailangan ng sitwasyon.  

Ang kakaibang characters ng Valorant, sa kabilang palad, ay ang magpapasya ng bawat role ng palyer, at ang kanilang bawat abilities ay mangangahulugan na maari lamang gumawa ng isang tiyak na gawain ang bawat agent. Halimbawa, kung walang controller agent ang isang team, o kung may controller silang napatay na, mahihirapan ang kanilang entry-gragger na pumasok sa sites nang walang smoke para harangan ang mga key sightlines. 

Sa mga matataas na lebel ng kompetisyon, ang mga players na makaka-master ng bawat abilities ng agent ay maaring gamitin ito sa iba’t-ibang paraan para makalamang sa kanilang kalaban. 

Valorant M42 Esports
Credit: Meliora 42 Esports

Nagsimula si V3Nom bilang isang entry-fragging duelist sa Valorant, ngunit lumipat siya sa isang support role bilang controller ng kaniyang team para mas makatulong sa kanilang panalo. Sa kaniyang taon-taong karanasan, napunta si V3Nom sa Meliora 42 Esports roster bilang kanilang anchor. 

Ang Valorant meta noong panahong iyon ay, kailangan ng bawat team na magkaroon ng isang Astra player dahil sa versatility ng agent na ‘yun, at naging mahusay si V3Nom sa role na ‘yon. Minsan siya ay naglalaro bilang Mexican duelist na si Reyna, kung gustong surpresahin ng M42 Esports ang kanilang kalaban at para bigyan siya ng entablado para ipakita ang kaniyang mechanical talent at mahusay na aim. 

Nakatuon na ang M42 Esports at si V3Nom sa paparating na Valorant Conquerers Championship Stage 2 qualifiers na gaganapin sa May. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Why Indian FPS legend V3Nom gave up a successful CS:GO career to play Valorant.