Ipinagdiriwang ng VALO2ASIA ang kanilang official launch sa VALO2ASIA Launch Invitational 2021.
Apat na professional Valorant teams mula sa Southeast Asia ang ang lalahok sa one-day event na gaganapin sa June 27, 2021. Ang event ay may prize pool na US$3,000, sponsored ng Jarritos.
Format ng VALO2ASIA Launch Invitational 2021
Ang mga imbitadong teams ay maglalaban-laban sa isang randomy drawn, single elimination bracket. Ang bawat match ay lalaruin sa best-of-three series, kabilang ang grand final.
Ang second place team ay mag-uuwi ng US$1,000, habang ang champion naman ay mananalo ng US$2,000.
Ang lahat ng matches ay susunod sa parehong rules ng VCT tournaments, at gagamit ng latest patch. Hindi kasama ang Breeze sa map pool.
Mga imbitadong teams sa VALO2ASIA Launch Invitational 2021
Ang apat na teams na ito ang inimbitahan para maglaro sa VALO2ASIA Launch Invitational 2021:
- Paper Rex (SG)
- Full Sense (TH)
- Bren Esports (PH)
- BOOM Esports (ID)
Ang mga teams na ito ay nagharap-harap noong VCT SEA Playoffs. Ang Full Sense ay natalo at pumangalawa sa Stage 2 Masters representative ng SEA na X10.
Kinuha ng BOOM Esports si Saibani “fl1pzjder” Rahmad, dating NXL Ligagame, sa kanilang Valorant team matapos ang VCT SEA Playoffs.
Schedule at kung saan mapapanood ang VALO2ASIA Launch Invitational 2021
Ang lahat ng matches ay ipapalabas sa Twitch channel ng VALO2ASIA.
Ang random bracket draw ay gaganapin sa June 25, 2021, Friday, sa social media.
Narito ang event schedule sa June 27, 2021 (Sunday):
- Semifinal #1 – 1:00 p.m. GMT +8
- Semifinal #2 – 4:30 p.m. GMT +8
- Grand final – 9:00 p.m. GMT +8
Para sa iba pang updates, i-check out ang VALO2ASIA sa Twitter, Facebook, at Instagram.