Habang dinedetalye ng Riot games ang paparating na balance changes kina Chamber, Fade, at Cypher sa bago nilang State of the Agents blog post, kasama rin dito ang isang teaser patungkol kay Valorant Agent 21 (codename Mage) – ang susunod na agent na mapapabilang sa roster.
Tampok ang isang notebook, isang baso ng tsaa, at mga snacks habang tinatanaw ang harbor, ang larawan ay merong ilang clues patungkol sa kung saan magmumula ang sususnod na agent.
Isinulat ni John “RiotMEMEMEMEME” Goscicki, Senior Character Producer ng Riot Games, ang kasama nitong writeup, na nagbigay ng ilang pasimpleng pahiwatig tungkol sa abilities ni Agent 21.
Valorant Agent 21 isang Indian controller na may water-based abilities

Makikita din sa teaser ang isang gusaling katulad ng Gateway of India, isang monumento sa Mumbai, India. Ang natatanging arko ay malinaw na bahagi ng makasaysayang istruktura, na itinayo bilang parangal sa pagdating ni King George V.
Nakaharap din ang gateway sa Mumbai Harbor, na may hanay ng mga Bangka na makikita sa larawan.
Ipinapakita mula sa pananaw ni Agent 21, mapapansin din sa larawan ang isang baso ng chai, isang Indian tea beverage, at isang plato ng samosa chaat.
Ang lapis na nasa notebook ay maihahalintulad sa Nataraj pencils, isang sikat na brand sa India, na may kapansin-pansing red and black stripes at itim na dulo.
Isang mapa ng Indian subcontinent ang nakalagay sa notebook, kung saan minarkahan ang lokasyon ng lungsod ng Mumbai. Isang arrow ang nakaturo palabras ng Mumbai, katulad ng map sa board sa practice range.

Sa practice range,a ng ikalawang lokasyon ay may kasamang maliit na larawan ng isang simbolo namay hawig sa isang Hamsa hand.
Kung kelangan mo pa ng patunay na mula nga sa India si Agent 21 (na hinihinalang nagngangalang Varun Batra), ang blog ni Goscicki ay nagtatapos sa isang maikling mensahe sa wikang Hindi – Jald hi milte hain – na nangangahulugang “see you soon.”
Ang natitirang bahagi ng mensahe ay may pagtukoy sa tubig, na nagpapatibay sa mga maagang teoryang ang susunod na agent ay may abilities na may kaugnayan sa tubig. Ang nakakasabik pa dito, kinukumpirma nito na ang susunod na agent ay isang controller, hudyat ng unang smoke agent na ipinakilala sa game mula nang lumabas si Astra noong March 2021.
“We have seen that controllers are in a bit of a drought,” ayon sa kanyang blog. Maaaring may kakayahan din si Agent 21 na maimpluwensyahan ang game katulad ng ginagawa ni Viper, kung saan inilarawan ni Goscicki ang mga agents na may kakayahang balutin ang malalaking areas bilang “blue ocean of opportunity.”
“We’ve let this soak long enough, and Agent 21 is almost ready to go out,” pasabik niyang sabi, Gayunpaman, pinigilan niya ang pagbibigay ng karagdagan pang detalye dahil ayaw niyang “ma-flood’ ang mga players sa masyadong maraming impormasyon.
Mababasa ang kabuuan ng blog dito.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.