Pagkakataon na ng mga fans na maging parte ng Valorant Champions sa pamamagitan ng Valorant Champions limited edition bundle.

Kasama sa bundle ang Vandal skin, karambit melee, at iba pang bonus items.

Valorant Champions 2021 Bundle
Credit: Riot Games

May black, gold, and red color schemes ang mga weapon skins. May Champions logo naman ang Vandal. Maaaring i-upgrade ang mga weapons gamit ang Champions Aura, na nagdadagdag ng glow effect. Maa-activeate ;amang ang effect na tio kung ikaw ang top fragger sa iyong team.

Valorant Champions 2021 Bundle Vandal
Credit: Riot Games

May special animation naman ang bagong melee weapon skin ng karambit. Ang Vandal muzzle flash ay maaaring i-upgrade para magmukhang logo ng VCT Champions, tutugtog din ang Valorant Champions anthem kapag in-inspect ito.

Valorant Champions 2021 Bundle Karambit
Credit: Riot Games

May astig na finisher din ang bundle kung saan magkakaron ng logo sa ibabaw ng bangkay ng kalaban habang tumutugtog ang Valorant Champions anthem. Pero hindi pa dyan nagtatapos, pag pumasok kas sa loob ng finisher ay magkakaroon ng isa pang animation kung saan magkukulay pula ang langit at makikita ang isang higanteng Brimstone statue tulad ng sa anthem music video.

Valorant Brimstone Anthem
Credit: Riot Games

Dagdag pa dito, meron ding tatlong player cards na kasama sa bundle na base kina Phoenix, Sage, at Brimstone sa music video.

Para naman sa mga ayaw gumastos, merong free Valorant Champions card. Maaari ring makakuha ng VCT 2021 Sparks spray kapag nanood ka ng group stage ng Valorant Champions event. Kailangang naka-link ang iyong account sa supported streaming platform at ang spray ay magiging available lamang mula December 1 hanggang 11. May apat na variants ang spray na nagbabago ng kulay depende kung saan ito ini-spray. Ang mga players na manonood ng Valorant Champions Grand Finals sa December 12 ay maaaring namang makakuha ng VCT 2021 Spark buddy.

Ang Champions bundle ay makukuha sa halagang 6,864 VP at available mula November 24 hanggang December 12. Kalahati ng kikitain dito ay mapupunta sa mga teams ng Valorant Champions 2021.

Para sa mga iba pang balitang esports, i-like at i-follow ang aming Facebook page.