Kumita ang sikat na Valorant Champions skin bundle ng US$18.7 million para sa Riot Games, ayon sa isang report ng Upcomer. Huling naibalita na kumita ng total na US$15 million ang bundle noong December. 

Hinati ang kita sa Riot at mga lumahok na teams noong Champions 2021. 

16 teams ang lumahok sa pinakauna-unahang Champions event noong December, at ang kanilang US$9.36 million share ng kita ay hinati nang pantay-pantay sa lahat ng mga teams na hindi inalinta ang kanilang placement sa event. 

Ibig sabihin nito ay naguwi ang bawat team ng hindi mga US$600,000 dahil lang sa kanilang paglahok sa tournament. 

Ngunit iba-iba ang pag-gamit ng bawat organisasyon ng kanilang pera. Para sa iba, binigay nila ang share nila ng kanilang kinita, at ang iba naman ay naghati-hatian.  

Ito ang kinita ng bawat team mula sa Valorant Champions skin bundle 

Valorant Champions Bundle
Credit: Riot Games

May Vandal at melee skin ang Valorant Champions skin bundle, dagdag pa sa mga custom finishers, upgrade options, at tatlong player cards. Nabili ito noong November 24 hanggang December 12 noong nakaraang taon. 

May impormasyon lamang ang Upcomer sa siyam sa 16 na teams na naglaro sa Champions at ito ang kani-kanilang revenue split: 

ORGANIZATION TEAM/PLAYERS 
Fnatic 80%/20% 
Team Liquid 70%/30% 
Team Envy 50%/50% 
Sentinels 50%/50% 
Furia 60%/40% 
Vivo Keyd 20%/80% 
X10 Crit 100%/0% 
Team Secret 70%/30% 
Vision Strikers 70%/30% 

Karamihan sa mga organisasyon ay mukhang tinabi ang majority ng kanilang kinita sa Champions bundle. Ang Vivo Keyd ang pinaka-mapagbigay sa lahat at binigay nila ang 80% ng kanilang share sa mga players, at lumabas ito sa halagang US$93,000 para sa bawat player. 

Para naman sa Sentinels at Team Envy (ngayon ay Optic Gaming na), hinati ng mga nasabing organisasyon ang kanilang mga kinita. 

Ang Thai esports na organisasyon na X10 Crit ay binalitang hindi nagbigay ng kahit ano sa kanilang mga players mula sa Champions bundle. Umalis ang kanilang roster sa organisasyon noong January para sa Xerxia matapos mag-expire ang kanilang contract. 

Habang unang naibalita na 75/25 split sa pagitan ng organisasyon at players ang ginawa ng Valorant Champions Acend, sinabi ng Head of Esports ng Acend na si Mark “Krimson” Senior sa isang tweet na mali ito. Hindi na siya nagbigay ng update kung magkano ang aktwal na distribusyon na naganap. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Here’s how much pros made from the 2021 Valorant Champions skin bundle.