Mainit na mainit ang skin collection na lalapag sa Valorant sa patch 5.07, kasabay ito ng isang major rework sa mga agent flashes at mga pagbabago sa Fracture.
Ang Crimsonbeast skin bundle ay parang pinanday sa apoy ng Mount Doom, dahil sa mga nagtatalsikang mga baga na lumalabas sa iba’t ibang sulok ng sandata.
Isang imahe ng may-sa-demonyong anyo ang makikita sa background ng key art ng Riot, isang pagtango sa madilim na pwersang nagdulot ng salamangka upang mabuo ang bundle na ito.
Mainit na mainit ang Crimsonbeast skin bundle
Crimsonbeast Hammer | #VALORANT pic.twitter.com/2G68x1lg5e
— Mike | Valorant Leaks & News (@ValorLeaks) October 4, 2022
Ang mga Crimsonbeast skins ay available para sa Vandal, Sheriff, Judge, Marshal, at melee. Ang melee skin ang magpapalingon sa maraming mga ulo – kamukha ito ng nag-aapoy na bersyon ng Mjolnir, ang makapangyarihang maso ni Thor.
Nababalot ng apoy ang ulo ng maso, habang may makikita namang mga biyak sa panlabas nito. Kapag inihataw mo ang maso sa isang pader, marka ng tama ng maso ang makikita sa halip na karaniwang mga hiwa ng patalim.
Bawat isa sa mga sandata ay merong tila demonyong rhinoceros sa gilid, na talaga namang kapansin-pansin. Ang bundle ay may pagkakatulad sa Elderflame collection, ngunit hindi ito kasing detalyado.
Wala itong mga dagdag na variants na pwedeng ma-unlock, wala ring custom visual, audio effects, o finishers.
Isa itong Premium tier skin line, na nagangahulugang magkakahalaga itong 7,100 VP.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.