Mas pinadali na ng Riot Games ang pagpapalit ng iba’t-ibang crosshairs dahil sa paglalagay ng dedicated crosshair codes sa Valorant patch 4.05.

Ang mga crosshair codes na ito ay maaring i-copy at i-paste sa mga accounts para sa mas mabilis na pag-import at pag-export ng settings, na nangangahulugang mas madali mon ang magagaya ang mga crosshair settings na ginagamit ng mga pro players.

Sa tamang crosshair ay gaganda ang iyong tutok at magpapataas ng level ng iyong gameplay. Sa kabila nito ang pagpili ng crosshair ay nakasalalay pa rin sa personal preference.

Sa dami ng iba’t-ibang settings na pagpipilian at pwedeng subukan, hindi madaling malaman kung alin dito ang magiging mabisa para sa’yo, kugn kaya’t magandang magsimula sa mga crosshair settings na ginagamit ng mga pro players.

Narito ang mga crosshair codes ng iba’t-ibang Valorant pro players na maaari mong kopyahin upang magamit sa iyong susunod na match.

Listahan ng mga Valorant crosshair codes na gamit ng mga pro players

Best Valorant Crosshair Codes TenZ Boaster NagZ
Credit: Riot Games
TEAMPLAYERCROSSHAIR CODE
SentinelsTyson “TenZ” Ngo0;s;1;P;c;5;h;0;m;1;0l;4;0o;2;0a;1;0f;0;1b;0;S;c;4;o;1
FnaticJake “Boaster” Howlett0;s;1;P;c;5;o;1;0t;1;0l;3;0a;1;0f;0;1b;0;S;o;1
KRU EsportsJuan “NagZ” Miranda0;s;1;P;c;1;o;1;d;1;0l;0;0o;2;0a;1;0f;0;1t;0;1l;0;1o;0;1a;0;S;c;1;o;1
100 ThievesPeter “Asuna” Mazuryk0;P;o;1;0t;1;0l;2;0a;1;0f;0;1b;0
100 ThievesSpencer “Hiko” Martin0;P;c;1;h;0;d;1;z;1;0t;1;0l;2;0a;1;0f;0;1l;5;1o;4;1a;1;1m;0;1f;0
StreamerMichael “Shroud” Grzesiek0;P;h;0;0l;5;0o;0;0a;1;0f;0;1b;0

Magdadagdag pa kami ng mas maraming crosshair codes na ginagamit ng pro players sa listahan na ito. Bagama’t maaaring magbago ang mga crosshairs ng mga players dahil sa patuloy nilang pagkalikot at pag-aayos ng kanilang settings.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.