Sa Valorant patch 5.04, binigyan ang mga players ng option na gumamit ng custom crosshairs sa kahit anong paraan na gusto nila.

Sa dami nang features na dinagdag sa game, marami tayong nakikitang mga players na nakakaisip na gumamit ng mga kakaiba at malikhaing crosshairs na bagay sa mga memes at TikTok clips.

Upang makatulong na maikalat ang kakulitang ito – at mapatawa na rin ang mga teammates mo – nilista namin ang lima sa mga pinaka meme-worthy custom crosshairs na siguradong magugustuhan niyo at ng mgha kaibigan mo.

Para magamit ang mga crosshairs, kopyahin lang ang mga codes at i-import ito sa iyong crosshair settings.

5 nakakaaliw na mga Valorant custom crosshairs

5. Poké Ball crosshair

Pokemon Valorant Custom Crosshairs
Credit: Riot Games

Nagmumukhang ibang game ang Valorant dahil sa Poké Ball crosshair. Sa halip na barilin ang mga kalaban, isipin mo na lang na hinuhuli mo sila gamit ang iyong sariling Poké Ball. Gotta catch ‘em all!

Code: 0;P;c;7;o;1;d;1;0t;10;0l;5;0o;0;0a;1;0m;1;0f;0;1t;6;1l;1;1o;5;1a;0;1f;0


4. Hashtag crosshair

Hashtag Valorant Custom Crosshairs
Credit: Riot Games

Sa social media, ginagamit ang hashtag upang matukoy ang isang topic. Gamit ang hashtag crosshair, ikaw na ang magiging topic sa usapan ng mga teammates mo.

Code: 0;P;c;7;o;1;d;1;0t;10;0l;5;0o;0;0a;1;0m;1;0f;0;1t;6;1l;1;1o;5;1a;0;1f;0


3. Instagram crosshair

Instagram Valorant Custom Crosshairs
Credit: Riot Games

Ipaalam mo sa mga teammates mo na isa kang content creator gamit ang Instagram crosshair. Ngayon, malalaman na nila kung saan makikita ang mga Valorant highlights mo.

Code: 0;P;c;6;h;0;d;1;z;1;0t;4;0l;1;0o;2;0a;1;0f;0;1t;10;1l;1;1o;5;1a;1;1m;0;1f;0


2. Nerd crosshair

Nerd Valorant Custom Crosshairs
Credit: Riot Games

Ang nerd crosshair ay ginawa ng content creator na si Jioon. Nakakatawa ito kapag itinapat sa mukha ng mga kalaban at mga teammates para magmukha silang mga nerds. Ang kailangan mo lang gawin ay tumutok sa kanilang mga ilong.

Code: 0;s;1;P;c;8;t;2;o;1;d;1;b;1;a;0.462;f;0;0t;10;0l;14;0v;0;0g;1;0o;5;0a;0.308;0f;0;1t;1;1l;6;1v;0;1g;1;1o;18;1a;0;1m;0;1f;0;S;d;0


1. Flappy Bird crosshair

Flappy Bird Valorant Custom Crosshairs
Credit: Riot Games

Naging viral ang Flappy Bird mobile game noong 2014, at mukhang hindi pa rin ito nalilimutan ng mga players. Kinakailangan ng players na i-tap ang screen para mapalipad ang bird avatar at makatawid sa pagitan ng mga pipes, at pahirap ito nang pahirap habang tumataas ang level.

Magbigay-pugay sa game na ito gamit ang dalawang iconic pipes bilang iyong crosshair.

Pay tribute to the game with those two iconic pipes as your crosshair.  

Code: 0;P;c;8;u;008000FF;t;3;o;1;b;1;0t;4;0l;0;0v;18;0g;1;0o;10;0a;1;0f;0;1t;10;1l;0;1v;4;1g;1;1o;7;1a;1;1m;0;1f;0


Ang 5 custom crosshairs

CROSSHAIRCODE
Poké Ball crosshair0;P;c;7;o;1;d;1;0t;10;0l;5;0o;0;0a;1;0m;1;0f;0;1t;6;1l;1;1o;5;1a;0;1f;0
Hashtag crosshair0;P;c;7;o;1;d;1;0t;10;0l;5;0o;0;0a;1;0m;1;0f;0;1t;6;1l;1;1
Instagram crosshair0;P;c;6;h;0;d;1;z;1;0t;4;0l;1;0o;2;0a;1;0f;0;1t;10;1l;1;1o;5;1a;1;1m;0;1f;0
Nerd crosshair0;s;1;P;c;8;t;2;o;1;d;1;b;1;a;0.462;f;0;0t;10;0l;14;0v;0;0g;1;0o;5;0a;0.308;0f;0;1t;1;1l;6;1v;0;1g;1;1o;18;1a;0;1m;0;1f;0;S;d;0
Flappy Bird crosshair0;P;c;8;u;008000FF;t;3;o;1;b;1;0t;4;0l;0;0v;18;0g;1;0o;10;0a;1;0f;0;1t;10;1l;0;1v;4;1g;1;1o;7;1a;1;1m;0;1f;0

Dapat mo bang gamitin ang mga crosshairs na ito sa competitive? Basta wala kaming pananagutan sa kahit anong RR na mawawala pag ginamit mo ang mga ito sa ranked game.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.