Malapit nang lumabas ang Valorant Episode 3 Act 2 Battle Pass!

Sa nalalapit na pagtatapos ng Act 1, sabik na ang mga players para sa bagong Battle Pass.Gaya ng mga naunang passes, magkakahalaga ito ng 1,000 Valorant Points (VP).

Pero sulit nga ba ang VP mo sa Battle Pass na ‘to? Kung di ka pa sigurado kung bibilhin mo, narito ang listahan ng mga weapon skins, player cards, gun buddies, at sprays na maaari mong ma-unlock sa bagong battle pass para makatulong sa iyong makapagdesisyon.

Valorant Episode 3 Act 2 Battle Pass weapon skins para sa iyong koleksyon

Kung sa tingin mo ay swabe ang disenyo ng K/TAC skins, magugustuhan mo ang tatlong bagong sets na paparating kasama ng Episode 3 Act 2 Battle Pass – ang Artisan, Varnish, at Nitro.

Artisan

Sa Artisan skin ang makaagaw-atensyon sa paparating na battle pass dahil sa magarbong itsura nito. Ayon kay Valorant Art Lead Sean Marino, ang hangarin sa paggawa nito ay maramdaman ng player na ito’y “made of luxury high-end materials.”

Ang pinakamagandang bahagi ng set ay ang maangas na melee weapon, isang matikas na saber na tila nagmula sa Renaissance Italy. Kabilang din sa Artisan set ang skins para sa Ghost, Bucky, Phantom, at Marshal, na may tatlong color variants.

Varnish

Valorant Episode3Act2BattlePassVarnishBulldogStingerSheriffJudge
Credit: Riot Games

Isa pang malupit na skin set sa Episode 3 Act 2 Battle Pass ay ang Varnish. Bagay ito sa mga Valorant players na simp[le pero maangas.

Kabilang sa Varnish skin set ang skins para sa Sheriff, Stinger, Bulldog, at Judge.

Nitro

Valorant Episode3Act2BattlePassNitroVandalOperatorGuardianOdin
Credit: Riot Games

Isang pasabog na may matingkad na yellow, purple, at black design naman ang Nitro set, na ayon kay Sean Marino ay sinadya nilang maging “very graphic and flashy.” Para naman ito sa mga duelist na malakas ang dating, kabilang sa set ang skins para sa Guardian, Vandal, Odin, at Operator.

Episode 3 Act 2 Battle Pass playercards na maglalahad ng Valorant lore

Valorant Episode3Act2BattlePassPlayerCards
Credit: Riot Games

Sa ngayon, sanay na ang mga fans na makakita ng mga playercards na nagbibigay ng linaw tungkol sa komplikadong kwento ng Valorant. Walang pinagbago ang bagong battle pass, sa dahilang nagbibigay linaw ‘to sa mga pangyayari sa series.

“The newest addition we’re excited about is the Unstoppable card series, the first of which features Reyna in her [Ultimate] draining the souls of enemies she’s killed,” sabi ni Valorant Senior Producer Preeti Khanolkar. “These cards should portray our agents in their most powerful state, their power fantasy.”

Ang iba pang halimbawa ng referential series content ay ang Ascent Schema, Firearms, at Versus cards.

Memetastic sprays at fashionable gun buddies na maipagyayabang

At tulad ng dati, masayang idagdag sa iyong koleksyon ang mga bagong sprays at gun buddies.

“The Follow Me Buddy is probably the best buddy we’ve ever put in a battle pass, so I suggest paying close attention to it,” ibinahagi ni Preeti Khanolkar.

Ilan sa mga paboorito naming buddies ay ang Artisan (na bagay na bagay sa skin) at ang Bruno the Corgi. Kung sprays naman ang pag-uusapan, nirerekomenda naming ang Nice Try para sa team support, Trust in My Healing para sa mga Sage mains, at Promises Kept naman kung gumagamit ka ng butterfly knife.

Ang Episode 3 Act 2 Battle Pass ay magiging available pagkatapos ng patch sa September 8, 2021. Magkakahalaga ito ng 1,000 Valorant Points.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.