Ayon sa Riot Games, ang Valorant Episode 4 Act II ay nakatuon sa pag-aayos ng fundamentals at “overall health” ng game.
Makakaasa ang mga players ng malalaking updates sa game, ngunit ito ay mga quality-of-life updates upang mas mapagbuti ang player experience, at walang kasamang bagong map o agent.
Walang bagong map o agent sa Valorant Episode 4 Act II ayon sa Riot Games

Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports
Sa bagong episode ng Dev Diaries, dinetalye ni Anna Donlon, Executive Producer at dev team lead ng Riot Games, kung ano ang mga dapat abangan ng mga players sa Valorant Episode 4 Act II
“There will be lots and lots of updates that target agent balance, existing maps, promoting good player behavior, and an even better ranked experience,” ayon kay Donlon.
Ang mga huling pagbabago sa Breeze at Bind sa patch 4.0 ay ginawang mas balanse ang dalawang mapa, kaya’t siguradong magandang balita kung gagawin ito ng Riot sa iba pang mga maps sa Valorant Episode 4 Act II.
Matutuwa rin ang mga players na malaman na tinututukan pa rin ng Riot makapagbigay ng ma magandang ranked experience. Naging malaking salot ang smurfing sa competitive queue ng Valorant, at patuloy na pinapanatili ng Riot na siguraduhing patas ang mga matches.
At sa wakas, ang kauna-unahang community battle pass at mga bagong skins ay darating rin sa ActII.
“Every product team has a roadmap full of amazing content and features that will really push Valorant for the years to come,” dagdag ni Donlon.
Para naman sa mga nasasabik na malaman kung sino pa ang sasali sa Valorant cast pagkatapos ni Neon, hindi nyo kelangan maghintay ng matagal dahil kinumpirma ni Donlon na may bagong agent nalalabas sa Act III.
Isang League of Legends-style Clash mode maaaring lumabas sa Valorant
Binanggit din ni Donlon ang pagkakaroon ng bagong “in-game, team-based tournament system” na darating sa 2022, na kung papakinggan ay tulad ng Clash mode sa League of Legends.
Sa Clash ay maaari kang bumuo ng team kasama ang iyong mga kaibigan upang lumaban sa iba’t ibang skill brackets at manalo ng in-game prizes.
Ang mga prizes na ito ay maaaring calling cards, weapon skins, o kahit pa gun buddies sa first-person shooter ng Riot Games.

Unang binanggit ng Riot Games ang isang work-in-progress na “Act Based Tournament System” noong June 2021, tampok ang mga teams na may lima hanggang pitong players na pwedeng magpalit-palit sa pagitan ng mga matches.
Ang mga mananalo sa mga tournaments sa bawat act ay makakaatanggap ng imbitasyon sa isang malaking “End of Act” event para sa mas malaking premyo at mas mabibigat na laban.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.