May bagong meta na unti-unting kumakalat ngayon sa Valorant kung saan ang mga players ay mas pinipiling mag-quick scope gamit ang Operator at Marshal.
Ang bagong feature na ito ay nadiskubre sa paglabas ng patch 3.01, kung saan pwede mong bawasan ang iyong scope aim speed ng kalahating Segundo. Dahil dito ay mas mabilis kang makakabaril gamit ang Operator at Marshal kung papalitan mo ang iyong settings.
Ano ang quick scoping?
Pagdating sa first-person shooters, lamang ang mas mabilis bumarl at mas magaling umasinta.
Importante ang accuracy sa sniping sa Valorant. At dahil ang Operator at Marshal ay mga single-fire weapons n may kabagalan, hindi ka pwedeng rumatrat gamit ang mga baril na ‘to.
Pero sa quick scoping, maaari kang bumaril ng sunod-sunod nang mabilisan. Makakatulong din ito sa pagdepensa ng iyong posisyon dahil hindi mo na kailangang umatras pag nagmintis ang una mong tira. Kung kayang sumabay ng iyong asinta sa scope aim speed, siguradong wasak ang mga kalaban mo sa server.
Paano mag-quick scope sa Valorant?
Magpunta sa iyong settings sa ilalim ng controls at equipment, tapos ay gawing hold ang iyong sniper rifle aim imbis na toggle. Kakailanganin mong i-hold ang iyong right mouse button para makapag-smoke.

Naglista kami ng tatlong top Valorant players – ang Twitch streamer na si Michael “Shroud” Grzesiek, kasama ang VCT Stage 2 Masters Reykjavik champions na sina Sentinels Tyson “TenZ” Ngo at Michael “dapr” Gulino – na nagpakita kung paano ang tamang paggamit ng quick scope sa Valorant.
Ipinakita ni Shroud kung paano mag-entry gamit ang quick scope sa Operator
Ipinakita ng dating Counter-Strike pro kung gaano kabilis ang pag-asinta sa hold kumpara sa toggle. Nakakuha pa nga si Shroud ng nakakabilib na scope entry frag habang nagpu-push sa mid sa Split.
Inilahad ni Sentinels dapr ang ‘secret tech’
Habang naglalaro ng isang rank match sa kanyang stream, winasak ni Sentinels dapr ang mga kalaban at nakakuha pa ng Ace sa Icebox sa pag-quick scope gamit ang Marshal.
Ibinahagi rin ni Sentinels dapr na nagiging mainstream na ang quick scoping. Maraming players ang siguradong susubok nito, pwera na lang kung magdedesisyon ang Riot Games na bawasan ang scope speed ng hold.
Mas gamay ni Sentinels Tenz ang kanyang Operator sa hold kaysa toggle
Nagbigay din ng opinyon ang superstar Jett Operator player ng Sentinels, “You’re able to control your [Operator] a lot better with hold.”
Ipinaliwanag din ni Sentinels TenZ na inilipat nya ang kanyang toggle zoom level keybind sa mouse wheel up dahil hindi ka na maaaring mag-zoom gamit ang right-click pag lumipat ka sa hold.
Ipinaliwanag nina Sentinels TenZ at Shroud na ang mga players na naggaling sa Counter-Strike ay mas sanay sa toggle settings ng sniper rifle aim.
Lumipat na ang dalawa sa paggamit ng hold dahil alam nilang ang mabilis na pagbaril ang susi para manalo sa Valorant.