Isa sa may pinakamalikhaing mapa ang Valorant sa isang tactical shooter. Sa pangkalahatan ng mga Valorant map designs, bawat mapa ay may kakaibang gimmick na iba sa ibang mapa, at nagbibigay daan ito para sa mga bagong agent compositions at mga stratehiya sa gameplay. 

Ang layunin ay laging magbigay ng isang partikular na gameplay experience sa bawat mapa, at ibig sabihin nito ay kailangan mong ibahin ang laro mo depende sa mapa. 

Ang team sa likod ng mga map designs ng Valorant ay nagsalita sa isang Reddit AMA, at sinagot ang mga ilang tanong sa mga proseso ng kanilang pagiisip sa paggawa ng isang panibagong mapa. 

Magkaakibat ang gameplay at art sa isang Valorant map design 

Valorant map Fracture Graybox
Credit: Riot Games

Bawat mapa sa Valorant ay maguumpisa bilang isang graybox level. Ito ang pinakaunang playable na bersyon ng mapa at may general na layout ng mapa. 

Ngunit sa mga settings tulad ng tropical island ng Breeze at maginaw na excavation site ng Icebox, gusto malaman ng mga players kung dinisenyo ang mga mapa base sa isang layout o tema. 

“Our maps are ‘gameplay first’, so the graybox definitely leads the way. That said, theme can often literally give shape to graybox maps and we are usually thinking about the two in tandem,” paliwanag ni Joe Lansford, Level Designer ng Valorant. “Icebox is a great example where the two were developed side by side.” 

Ngunit paano nakakaisip ang mga Valorant map designers ng bagong gimmick para sa bawat mapa? “As for map hooks, sometimes they are solutions to a problem, like how to get from north to south for attackers on Fracture,” dagdag ni Lansford. 

“But sometimes we also build the map around the idea, as with the teleporters on Bind. We take inspiration from everywhere: games, films, real life, and more.” 

Valorant map Breeze
Credit: Riot Games

Maraming rason kung bakit magdadagdag ang mga developers ng mga features tulad ng mga lubid o teleporters. Sa kaso ng teleporters ng Bind, ito ay naging resulta ng mapa na walang mid. Gusto ng mga developers gumawa ng paraan para maka-rotate sa mapa, kaya naisip nila ang dual teleporters. 

Ngunit mas marami pang detalye ang kinokonsidera sa paggawa ng isang mapa na angkop para sa competitive play. Naglalaan ng oras ang team para makapagdesisyon kung gaano kalalim ang mga cubbies at kung paano gagana ang bawat anggulo. 

“We spend hours fine-tuning in the editor. Metrics are all determined by the needs of the space. Take cubby in Green on Icebox versus cubby in A short on Bind. They each need to do different things, so the spaces get tuned accordingly,” ibinahagi ni Lansford. 

Ang susunod ay isang oras ng extensive playtesting, kung saan tinitignan ng mga developers kung nagagawa ng bawat espasyo ang dapat nitong gawin. Kung hindi, babalik ito sa editor para baguhin. 

Bawat mapa ay dapat maging isang pagsubok para sa players 

Valorant map Fracture Dish Concept
Credit: Riot Games

Mula sa Ascent patungong Fracture, ang mga mas bagong mapa ng Valorant ay iba sa mga starting maps na nagumpisa sa laro. Ito ay sinadya ng mga Valorant map designers, dahil gusto nila maging pagsubok ito para sa mga players. 

“We want each new map to come with its own set of challenges and puzzles for players to overcome and solve. Breeze pushed for larger, more open combat spaces, while Icebox introduced a lot more vertical complexity,” paliwanag ni Joey Simas, Level Designer ng Valorant.  

Dagdag pa diyan, ang ibang mapa ay sinadyang ginawa para maging pabor sa ibang agents. Halimbawa, nanatiling malakas na pick si Viper sa Icebox at Breeze, dahil kayang takpan ng kaniyang Toxic Screen ang mga sightlines na hindi kayang gawin ng dome. 

“We value that our agents can solve different types of spaces and keep that in mind when designing new maps,” sabi ni Simas. 

Ngunit kahit na gustong itulak ng team ang mga boundaries ng players, mayroon pa ring lugar para sa mas tradisyonal na mapa. Gusto nila magkaroon ng ibang grupo ng “core” at “unique” maps, ayon kay Lansford, para mas maging diverse ang map pool. 

Sa susunod asahan mo pa na magkakaroon pa ng mas maraming dalawang klaseng mapa, dahil tinatrabaho na ng mga designers ang mga bagong mapa. 

Maari mong basahit ang Reddit AMA dito

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How Valorant map designers create a new map.