Kumpirmado na – magkakaroon ng Valorant mobile! 

Ang tactical first-person shooter ng Riot Games ay darating na sa mga mobile devices, ayon sa isang interview sa executive producer ng laro na si Anna Donlon.

Sinabi rin ito ng Global Influencer Programs Lead ng Riot Games na si Ali Miller sa isang tweet.

Release date ng Valorant mobile 

Credit: Riot Games

Ngayon, nasa development stages pa lamang ang Valorant Mobile. Sa halip ng isang port ng mobile verson ng FPS game na ito, gusto bigyan ng Riot Games ng ibang karanasan ang mga players kumpara sa Valorant PC.

Dahil dito, maaring matagal pa bago mag-debut ang laro sa mobile, at umaasa si Donlon na magkakaroon na ng solid build sa isa hanggang dalawang taon.

Ito ang maaring maging itsura ng Valorant sa mobile 

Isang mock-up ng maaring itsura ng Valorant sa mobile Credit: @BluewolfCodm

Hindi pa masyado nagbunyag ang mga developers kung ano ang mangyayari sa Valorant mobile, pero sinabi nila na wala silang plano magkaroon ng cross-play sa pagitan ng PC at mobile version.

Ni-reimagine ng Twitter user na si BluewolfCodm ang interface nito at nagpost siya ng simpleng mock-up ng Valorant mobile. Ito ay mayroong placements ng mini-map, abilidad ng mga agents, at kung paano tatalon at yuyuko ang mga mobile players sa handheld platform na ito.

Para sa mga newbies sa Valorant, maari nilang basahina ng aming beginner’s guide to understanding Valorant’s HUD at maari na silang magsimula sa PC version kung hindi pa nila ito nagagawa.