Plano nang sakupin ng Riot Games ang isang panibagong eksena sa mundo ng esports sa kanilang paghanda ng paglabas ng Valorant mobile.

Simula ng kaniyang debut noong 2020, naging isa sa pinakasikat na competitive first-person shooter ang Valorant at nagkaroon ng isang higanteng fanbase.

Sa kaniyang tatlong premier international leagues, isang lumalagong Challengers circuit, isang inklusibong Game Changers series, at isang napakalaking player base na patuloy na humihingi ng panibagong content, talagang napatunayan na ng Valorant ang kaniyang posisyon bilang isang top-tier esports title.

Maaring maisip ng mga fans na madali ito ilipat sa mobile domain. Ngunit para sa mga tao sa likod ng Valorant, hindi ito ganon kadali.

Nagkaroon ng oportunidad ang ONE Esports na eksklusibong makapanayam ang Executive Producer na si Anna Donlon at Game Director na si Andy Ho sa Masters Tokyo, kung saan nagbigay sila ng update sa Valorant mobile.



Mga natutunan ng Riot Games sa kanilang paghatid ng Valorant habang may global pandemic

Valorant mobile
Credit: Unsplash, ONE Esports, Riot Games

Ang paglabas ng Valorant noong 2020 ay naging isang groundbreaking moment para sa gaming industry. ‘Di tulad ng ibang major global game launches na kadalasan ay may promotional events at maagang tournaments, nag-debut ang Valorant noong naghihirap ang mundo dahil sa epekto ng isang global pandemic.

Dahil sa mga travel restrictions at lockdown measures, nakulong ang mga tao sa kanilang mga tirahan. At dahil diyan, nagkaroon ng isang malaking problema ang Riot sa pag-introduce ng Valorant sa mundo habang sumusunod pa rin sa mga safety protocols. Mabilisan nilang binago ang kanilang stratehiya sa remote operations at paggamit ng online platforms para maka-connect sa kanilang audience.

Sa kabila ng mga problemang dumaan, ang kanilang paghatid ng Valorant noong 2020 ay naging pinakamabuting desisyon para sa Riot Games, sabi ni Donlon.

“There was a moment where we thought we weren’t ready to launch it yet, and that we won’t be able to support it in this type of environment,” ani niya. “But it was one of the best decisions we made to take that chance and release the game at that time. Players needed something at that moment, and we were ready for them. That was a big one for us.”

“We got a lot of feedback from players over the years on how Valorant meant so much for them at that point and time,” dagdag ni Ho.

Iginiit ni Donlon na ang successsful launch ng Valorant ay dahil sa pagiging handa ng laro. Kahit na hindi nila nakamit ang kanilang pinlanong mga launch events, nakapaghatid ang riot ng isang laro na magugustuhan ng mga players.


Nagbigay ng update ang Riot Games tungkol sa release date ng Valorant mobile 

Valorant mobile
Valorant Executive Producer Anna Donlon sa kaliwa, Valorant Game Director Andy Ho sa kanan. Credit: Amanda “Tania Mae” Tan/ONE Esports

Hugot sa kanilang mga naranasan sa successful launch ng Valorant, paliwanag ni Donlon na ang Valorant mobile ay kasalukuyang “deep in development.”

Ang komprehensibong prosesong ito ang rason kung bakit tahimik sila sa Valorant mobile release. Gusto tiyakin ng Riot Games na makamit nila ang lebel ng refinement tulad ng PC version bago sila magbahagi ng mga detalye tungkol sa release date ng Valorant mobile.

“We just don’t want to put Valorant on mobile if it doesn’t work right and if it isn’t as great of an experience as we think we can provide,” sabi ni Donlon. “So I think that’s taken longer than we’d hoped to make it feel really good, but it’s still in development and something we’re really excited about.”

Ani rin niya na sa susunod na maririnig natin ang Valorant mobile ay kapag papalapit na ang launch nito dahil sumasailalim pa ng mga pagbabago ang laro.

“To keep our ability to learn and understand that it’s healthy, we need to take away the pressure of a timeline,” sabi ni. “The more we talk about it, the more players are looking for confirmation of a launch date. Right now, we’re just trying to get it right before we start talking about it more.”

Nais din linawin nina Donlon at Ho na ang layunin ng Valorant mobile ay gawing authentic ang laro at hindi lumayo sa rason kung bakit napaka-espesyal ng Valorant – gusto nilang maranasan ng mga players ang full Valorant experience na ukol sa mga pangangailangan ng isang mobile player.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang Valorant exclusives.

BASAHIN: Napako na sa rank? May payo si PRX something para sa’yo