Sa entrada ng Valorant patch 3.0, nasaksihan natin ang madaming pagbabago na ginawa sa mga agents gayundin sa mga weapons na malaking rason kung bakit kakaiab nanaman ang meta ngayon.

Lahat ng mga agents ay nalatagan ng price increase sa kanilang mga tool kits, kaya naman ang Valorant ngayon ay mas nakabase sa gunplay kaysa sa agent ability usage.

May ilang agents ang nakakuha ng buff galing sa Riot Games, at may iba ding naging napalakas dahil na-nerf ang kanilang mga counterparts.


Ang top 3 meta-agents matapos ang Valorant patch 3.0

Breach

Credit: Riot Games

Isa si Breach sa mga biniyayaan ng Riot games ng buff ngayong Valorant patch 3.0

Binawasan ang full charge time ng kanyang Fault Line mula 1.5 papuntang 1, gayundin ang width na galing 600 na ngayon ay 750 na.

Ang pinakamalaking adjustment na ibinigay kay Breach ay ang kaniyang concussion duration na ngayon ay 3.5 na mula sa 3.0 noong nakaraan.

Dahil binawasan din ang presyo ng operator na mula 5,000 na ngayon ay 4,700 credits na lamang, maaasahang mas madaming players ang magtatangkang gumamit ng one-shot sniper rifle.

Karugtong nito, ang Fault Line ni Breach ay magiging top-tier na ability dahil ang stun mechanics ay mas pinaigting at mas mahirap iwasan.

Tatlong explosions na din ang dala ng After Shock ni Breach na may 60 damage per blast at walang fall off. Magiging kritikal ito sa pagpapahinto ng abante ng mga kalaban sa mga post-plant situations.

Ang Rolling Thunder naman ay pinataas din ang width papuntang 2,300. Ibig sabihin nito ay sakot na ng ultimate ni Breach ang buong site kaya perpekto ito sa mga entry plays.


Skye

Credit: Riot Games

Nabawasan ng flash charge si Skye ngayong Valorant patch 3.0. Ang kaniyang 3 Guiding Light charges ay ginawa ngayong dalawa na lamang, pero makakabato pa rin siya ng dalawang flashes kada round.

40-seconds na ngayon ang replenish time ng Guiding Light flashes. Mas madali ngayong kontrolin ito dahil hindi na niya kailangang I-re-quip ito para ma-activate at mas epektibo ito ngayon sa tight corners.

Tinaasan ang vision radius ng Trailblazer scout na dati ay 1,750 na ngayon ay 2,250 na. Sa kabilang banda, tinaasan din ang kaniyang maximum concussion duration mula 3 papuntang 4.


Cypher

Credit: Riot Games

Dalawa ang rason kung bakit kasama sa listahan na ito si Cypher. Unang rason ay dahil ang kaniyang counterpart na si Killjoy ay matinding naapektuhan ng nerf Alarmbot at Turret. Dulot nito, tumaas ang value ng Sentinel agent.

Ang pangalawang rason naman ay dahil hindi na kayang i-break ng Tailwind ni Jett ang Trapwirse ni Cypher. Kahit pa isa pa rin sa pinakamahusay na entry agents si Jett sa Valorant, maaari na siya ngayong i-counter sa mga rush plays.

Kahit pa madaming agents sa Valorant patch 3.0 ang nabigayan ng nerfs sa kanilang mga abilties gayundin sa economy, hindi ibig sabihin na mahirap na sila laruin. Binigyang diin lamang nag patch na ito ang importansiya ng paggamit ng abilities at credits bawat round.

Basahin dito ang kabuuan ng Valorant patch 3.0 sa Riot Games official website.