May mga bagong fixes at features na kasama ang Valorant patch 3.03 na siguradong magkakaroon ng epekto sa game mechanics ng first-person shooter.
Inayos ang mga abilities nina Viper, Killjoy, Astra, at Sage. Ang Valorant patch ay may kasama ring bagong crosshairs para sa ADS (aim-down-sights) at sniper scopes na pwedeng i-customize ng payers.
Dagdag pa dito, mas consistent na rin ang wallbang sa mga Radianite crates sa spike sites.
Agent changes sa Valorant patch 3.03
Viper

Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
Inayos ang bug kung saan nagsisimulang mabuo ang Viper’s Pit sa cursor placement imbis na sa paligid ni Viper.
Magbibigay ito ideya sa kalaban kung nasaan si Viper sa kanyang ultimate dahil ang pagkalat ng poison cloud ay magmumula sa kung saan nya ito pinakawalan.
Killjoy

- Inayos ang bug kung saan ang turret ni Killjoy ay hindi naaapektuhan ng concuss.
Ni-nerf ng fix na ito ang turret ability ni Killjoy dahil maaari na itong pigilan ng Fault Line ni Breach, Dissipate ni Astra, at pati na rin ng Trailblazer ni Skye.
Astra

- Inayos ang Gravity Well ni Astra upang hindi na mahila ang mga agents na nasa ascenders.
- Inayos ang bug kung saan maaaring i-activste ni Astra ang Dissipate habang makakapit sa ascender.
Magbibigay ito sa mga players ng bagong escape mechanic mula sa Gravity Well at Dissipate ni Astra kung kakapit sila sa mga ropes sa bagong Valorant patch 3.03.
Sage

- Inayos ang Boombot, Owl Drone, at Fakeout para hindi na masira ng mga ito ang Barrier Orb ni Sage nang mabilisan.
Sa fix na ito ay mapipigilan na ang Sage Barrier Orb exploits kung saan masisira ng kalaban nang mabilisan ang pader ng mga Sage players.
Bagong ADS at sniper scope crosshairs sa Valorant patch 3.03
- I-on ang “Usa Advanced Options” upang ma-customize ang iyong ADS crosshair at sniper scope center dot.
- Maaari nang i-save at magpapalit-palit ng iba’t ibang crosshair profiles.
- Nagdagdag ng setting para i-set ang minimum firing error para sa lahat nang weapons.
- Nagdagdag ng setting para magamit ang primary crosshair sa shotguns.
Maaari nang gumamit ang mga players ng personalized crosshairs sa ADS o sniper riffles. Makakatulong ito upang maging mas consistent ang mga players sa pagtutok.
Map update: mas consistent na ang wallbang sa mga Radianite crates

- Maaari nang magpatagos ng bala sa mga Radianite crates mula sa lahat ng anggulo gamit ang tamang weapons. (Dati ay pwede kang magpatagos sa mga crates mula sa ilang direksyon, pero hindi sa lahat.)
- In-update ang mga ziplines upang magamit ang ‘Use’ key para maaari kang bumitaw anumang oras.
Dati ay hindi consistent ang pagbaril patagos sa mga Radianite boxes sa spike sites, lalo na kung hindi naman high penetration weapons ang gamit mo. Siguradong magiging mas delikado ang barilan sa spike sites dahil sa bagong feature na ito.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa game, basahin ang Valorant patch 3.03 notes.