Nandito na ang Valorant patch 3.05, at oras na para subukan ang Fracture! 

Kasama na rin sa patch na ito ang mga major nerfs kay Killjoy at Raze, ang pagbabalik ng Immortal rank tiers, at adjustments sa rank distribution ng Valorant.

Maliban sa bagong Valorant patch 3.05, ang kanilang panibagong Spectrum bundle kasama ang sikat na music artist na si Zedd ay magiging available sa in-game store kasama na ang panibagong Episode 3 Act 2 Battle Pass.

Valorant patch 3.05 agent updates 
Killjoy 
Credit: Riot Games
  • Bullet tagging mula sa Turret ni Killjoy ay bumaba mula sa 72.5% patungong 29.5% slow

Binigyan pansin ng mga game developers na masyado ng maraming nabibigay ang Turret ni Killjoy dahil nagbibigay ito ng impormasyon, chip damage, at isang malakas na slow.

Ang abilidad na ito ay nagiging mas matindi sa mga pistol rounds dahil makakapigil ito ng mga push kapag nasa malayo, at dahil diyan, gusto ng Riot Games na ma-tone down ang pagiging epektib ng Turret laban sa mga rush.

Raze 
Credit: Riot Games
  • Ang maximum damage ng Boom Bot ay bumaba mula sa 125 patungong 80, ang bumaba ang minimum damage mula sa 50 patungong 30. Ang halaga ng abilidad na ito ay bumaba rin mula sa 400 patungong 300.

Maganda gamitin ang Boom Bot para mag-clear ng mga espasyo at makakuha ng impormasyon, kasama pa ang pagdulot ng matinding damage. Hindi pwedeng baliwalain ng mga palyers ang mga Boom Bot dahil maari silang ma-one shot kung mayroon silang light shields.

Gusto bigyan ng Riot Games ang mga players ng mas maraming counterplay options laban sa Boom Bot sa pamamagitan ng pagbawas ng kaniyang overall damage, habang ginawang mas mura ito para sa mga Raze mains sa bawat round.

Breach, Brimstone, at Sova 
  • Ang Aftershock ni Breach, ang Orbital Strike ni Brimstone at Hunter’s Fury ni Sova ay maaring magdulot ng damage sa mga abilidad na ito:  
Breach’s Aftershock now deals damage to: Brimstone’s Orbital Strike now deals damage to: Sova’s Hunter’s Fury now deals damage to: 
Killjoy’s Alarm Bot Killjoy’s Nanoswarm Killjoy’s Nanoswarm 
Killjoy’s Nanoswarm Cypher’s Tripwire Cypher’s Tripwire 
Killjoy’s Lockdown Sage’s Barrier Orb Sage’s Barrier Orb 
Cypher’s Tripwire Sova’s Recon Bolt Sova’s Recon Bolt 
Reyna’s Leer KAY/O’s Zero/Point KAY/O’s Zero/Point 
Sage’s Barrier Orb   
Sova’s Recon Bolt   
KAY/O’s Zero/Point   

Ang tatlong abilidad na ito ay mas epektibo na ngayon maari nilang tanggalin sa mapa ang mas maraming agent abilities. 

Dinagdag ang Fracture sa Valorant patch 3.05 
Credit: Riot Games

Magkakaroon ng Fracture-only queue ang Valorant na magiging available lamang sa loob ng dalawang linggo. Hahayan nito makapag-ensayo ang mga players sa bagong mapa sa isang unrated mode setting bago ito idagdag sa competitive play.

Pagkatapos niyan, papasok na ang mapa sa ibang modes, tulad ng competitive. 

Para sa mga fans na gusto pang matutunan ang Fracture ay maaring tignan ang aming beginners’ guide, Sage wall guide, controller smoke guide, at map callout guide.
 

Valorant patch 3.05 competitive updates 
Credit: Riot Games

Binalik ng Valorant ang Immortal 1,2, at 3 rank tiers. Sa pagbabalik ng mga tiers na ito, inupdate din nila ang ranked grouping restrictions. Ang mga Diamon ranked na players ay maaring sumama sa mga Immortal ranked na players.

Episode 3 Act 2 Battle Pass 

Hindi pahuhuli ang bagong Episode 3 Act 2 Battle Pass. Ang mga players na bibili ng Battle Pass ay makakatanggap ng three percent boost sa Battle Pass tier progression para sa lahat ng matchmade games hanggang sa pagtatapos ng Act 2.

Ang bonus experience na ito ay hindi retroactive, kaya ang mga players na kukuha ng Battle Pass nang maaga ay mabibigyan ng acces sa mas mainam na experience. 

Lahat ng impormasyon tungkol sa Valorant patch 3.05 ay maaring makita sa opisyal na Valorant website ng Riot Games.