Matitindings nerfs ang hatid ng Valorant patch 3.06 kina Jett at Skye, dalawang agents na bumida noong nagdaang VCT Stage 3 Masters Berlin.

Ayon sa Riot Games, bahagyang pinabagal nila ang nasabing initiator dahil sa mabilis na movement nito pagkatapos gumamit ng flash. Habang ‘getting the most our of Blade Storm’s primary fire’ naman ang naging dahilan nila tungkol sa pagpapahina sa sikat na Duelist.

Ang nerfs kay Skye sa Valorant patch 3.06

Valorant SkyeOfficialArt
Credit: Riot Games

E – Guiding Light

  • Pinataas ang unequip time matapos mag-cast o mag-bend ng Guiding Light projectile: .5 >>> .75
  • Pinataas ang windup time pagkatapong ng activation bago pumutok ang flash: .25 >>> 3

X – Seekers

  • Pinataas ang cost: 6 >>> 7

Nais ng mga developers na bahagyang pahirapin ang pag-capitalize ni Skye sa kanyang Guiding Light bird flashes para umano maging mas competitive ang coordinated play o mahikayat ang paggamit ng iba’t-ibang style ng flash.

Dahil mas gumagaling na rin ang mga manlalaro sa naturang agent, pinataas din ng Riot Games ang cost ng kanyang ultimate. Kaakibat raw ng husay nila kay Skye ang madalas na paggamit at pagiging mas effective ng Seekers.


Ang nerfs kay Jett sa Valorant patch 3.06

Credit: Riot Games

C – Cloudburst

  • Pinababa ang charges ng Cloudburst: 3 >>> 2

X – Bladestorm

  • Hindi na magre-recharge ang mga kunai ‘pag ginamit ang right-click/alternate fire ng Bladestorm
  • Damage ng right-click/alternate fire ng Bladestorm, pareho na sa left-click

Binawasan ang charges ng smokes ni Jett upang mas mapag-isipan ng mga manlalaro ang paggamit nito.

Ukol naman sa ultimate nito, nais daw ng mga developers na mas i-optimize ang single kunai kills para maitulak ang mga players na maging mas precise habang naglalaro bilang Jett.

Kasabay nito ang pag-ayos sa damage at multiplier ng right-click ng Bladestorm para raw magkaroon ng kaonting predictability sa desisyon ng Jett players sa paggamit ng ultimate nito.


Samantala, nakatanggap naman ng buff ang pinakabagong agent na si KAY/O. Pinabilis ang paggamit ng kanyang FLASH/drive, habang patuloy na rin ang pag-pulse ng NUMM/cmd matapos ma-down.

Sa mga mapa naman, dinagdagan ng Riot Games ang mga site ng ilang crate na hindi na pennable o maaaring i-wallbang. Ito ay para raw maging mas safe para sa mga attackers na mag-plant o mas safe para sa mga defenders na mag-hold ng site.

Narito ang mga pagbabago sa ilang mapa sa Valorant patch 3.06:

  • Fracture: Hindi na pennable ang isang crate sa may B site.
  • Icebox: Hindi na pennable ang crate stack sa may B site.
  • Haven: Hindi na pennable ang isang crate stack sa may C site.
  • Ascent: Hindi na pennable ang isang crate sa may A site.
  • Bind: Hindi na pennable ang isang crate stack sa A site.

Para sa kumpletong detalye ng Valorant patch 3.06, magtungo lang sa opisyal na website ng changelogs.