Sinagot na ng Valorant patch 3.09 ang dasal ng lahat nang winasak ng Classic right-click (alt-fire).

Ang default weapon sa Valorant sa simula ng bawat round, ramdam ang impact ng Classic, maging sa pro level, dahil sa right-click nito.

Kayang pumatay nito nang mabilisan kung tumama ang burst fire ng right-click sa ulo o katawan, na maladas namang nangyayari. Kahit pa tumatalon o tumatakbo ang player, kayang-kayang mapatay ng Classic ang mga kalaban.

Valorant Patch309 Classic Nerf
Credit: Riot Games

Tinugunan ng huling patch ang balance issue para sa Classic, na humantong naman sa ilang makabuluhang nerfs. Mayroon ding ilang map adjustments na ginawa sa Fracture, na layuning gawin itong hindi masyadong pabor sa attackers.

Valorant patch 3.09 weapon updates

Classic

Valorant Episode3 Act3 Weapon Skins Classic Goldwing
Credit: Riot Games
  • Walking firing error changed from 0.05 to 0.6 (total error increased from 1.95 to 2.5)
  • Running firing error changed from 1.3 to 0.2 (total error increased from 2.1 to 3.2)
  • Jumping firing error changed from 2.1 to 1.1 (total error increased from 3.0 to 4.0)

“We’ve reduced the weapon’s effective accuracy while jumping, running, and walking, with the intent of narrowing its ideal use case to only really close ranges,” paliwanag ng Comms Associate ng Riot Games na si Jeff Landa.

Masyadong nag-over-perform ang Classic bilang free default weapon sa mga eco rounds at bilang secondary sidearm. Viable pa rin naman ang weapon sa mga pistol rounds at eco rounds, ngunit huwag mon ang asahan ang parehong impact nito dahil sa Valorant patch 3.09.

Valorant patch 3.09 map updates

Fracture

Valorant Fracture sound circle radius
Credit: Riot Games Screenshot by ONE Esports/Nigel Zalamea

Iniurong ang B Arcade attackr barrier papuntang Attacker Side Bridge, upang mas madaling ma-contest ng defenders ang area.

Ang defender barrier sa A Rope ay inilipat sa tuktok ng mga ropes upang mas madali para sa mga Sentinels na mag-set up bago magsimula ang round.

Inilipat sa mas neutral space ang A Hall orb, upang hindi masyadong pabor sa mga attackers.

Nagdagdag ng bagong cover sa Attacker spawn pangontra sa mahabang sightline mula sa Hall entrance hanggang sa B Main, upang hindi masyadong mahirap para sa mga attackers pag nag-flank ang defenders.

Ang layunin ng mga pagbabagong ito sa Fracture ay mabawasan ang pagiging attacker-sided ng mapa. Dahil sa dalawang attacker entry points sa bawat site, kakailanganin ng mga defenders ang lahat nang tulong na makukuha nila bago pa dumating ang kanilang teammates mula sa kabilang dulo.

Ang lahat nang impormasyon tungkol sa Valorant patch 3.09 ay makikita sa official website ng Riot Games.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.