Handa na ang Riot Games na magpasiklab sa simula ang 2022 sa pagdating ng Valorant patch 4.0 na kasabay ng Episode 4: Disruption kung saan tampok ang ilang makabuluhang pagbabago sa game.

Kabilang sa Valorant patch 4.0 ang mga pagbabago sa Breeze at Bind, pati na rin ang weapon updates para sa Spectre, Ares, Guardian, Bulldog, at melee.


Updates ng Valorant patch 4.0 (Episode 4: Disruption)

Map updates

Breeze

Nakatanggap ang Breeze ng maraming pagbabago sa Valorant patch 4.0, lalo na sa dalawang spike sites nito.

Lumawak ang entrance ng A-main sa Breeze, kung kaya’t mabibigyan ng mas madaling paraan ang mga attackers na ma-clear ang close corners nang hindi nae-expose sa mga defenders sa back-site.

May dalawang bagong crates sa labas ng cave sa A-site na nagbibigay ng cover para sa attackers. Iniba rin ang cover sa likod ng A-site, pinaabot hanggang sa far wall ang water section na magsisilbing dagdag cover para sa defenders.

Binago ng mga Valorant developers ang B-site ng Breeze sa pamamagitan ng paglagay ng concrete block sa tabi ng center pillar. Na-extend din ang back-site wall upang hindi makita ang entrance ng B-site.

Meron na ring double-stacked crate sa narrow wall sa pagitan ng B-tunnel at B-arches.

At ang huling pagbabago para sa Breeze, ang pinto sa A-site ay hindi na pwedeng i-reactivate hangga’t hindi pa ito tapos bumukas o magsara, kaya’t hindi na ito pwedeng pigilan ng mga players na magbukas sa pamamgitan ng pagpindot ng switch.

Bind

Ang double-stack crate sa A-short sa Bind ay pinalitan na ng isang mas maiksing platform na pwedeng talunan ng mga attackers. Pinalitan ang box dahil nagagamit ito bilang malakas na one-way smoke location na pumipigil sa mga attackers sa pagpasok sa A-site.

Magkakaroon din ang Bind ng dagdag na maliit na platform sa A-short na magbibigay sa attackers ng kakaibang headshot angle laban sa mga defenders sa harap ng A-lamps.


Weapon updates

Nerfed ang long range accuracy ng Spectre. Napagdesisyunan ng Valorant devs na pabilisin ang accuracy error at inaasahang magiging mas mahirap ang pagkuha ng kills gamit ang long range na pag-spray.

Makabuluhan ang improvements na natanggap ng Ares sa pagtanggal ng spin-up nito, nadagdagan din ang firing rate nito mula 10 na ngayon ay 13 na.

Buffed ang Guardian, tinanggal na ang fire rate penalty nito habang gumagamit ng ADS (aim down sights). Inurong din ang recoil recovery nito pabalik ng isang bullet, na magbibigay sa mga players ng extra shot para manalo sa kanilang aim duels.

Ang Bulldog ay isa ang viable budget weapon option dahil nadagdagan na ang hip-fire rate nito mula 9.5 na ngayon ay 10. Nag-improve din ang burst fire ng ADS nito mula 0.4 na ngayon ay 0.35 na.

At panghuli, mas pinadali na ng Riot Games na makakuha ng melee kills sa pagdagdag ng hitbox ng right-click mas malaki ng 1.5 beses sa dati nitong size. Mas malaki na rin ang left-click at mas pinahaba rin ng kaunti ang range.


Competitive Update

Para labanan ang lumalaganap na smurf problem sa Valorant, ire-require na ng Riot Games ang mga accounts na umabot sa Level 20 bago makasali sa competitive queue kapag nailatag na ang Valorant patch 4.0.

Para sa mga players na hindi pa nakakaabot ng Level 20 pero nakapaglaro na ng ranked games, maaari pa rin silang sumali sa competitive queue.

Ang Valorant patch 4.0 ay lalabas kasabay ng pagdating ng Episode 4: Disruption.

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.