Sa wakas ay inilabas na ng Riot Games ang ikawalong map ng Valorant, ang Pearl, isang malawak na underwater city na nasa loob ng isang malaking dome.

Ang map ay nakatakdang ilabas sa June 22 – at makakapasok sa competitive queue sa July 12 – pero pwede ka nang mauna at alamin ang lahat nang callouts at mga locations na kelangan mong malaman para makapag-communicate at strategize nang maayos sa iyong mga teammates.

Narito ang lahat nang callouts at locations sa Pearl

Pearl ValorLeaks
Credit: ValorLeaks

Una mong kelangang ilagay sa isip mo ay nahahati sa tatlong lanes ang map: attacker side, mid, at B side. Ang A side at middle portion ng map ay maraming masisikip na corners, habang ang B side naman ng map ay may malawak at open na lane mula sa B Ramp hanggang sa B Screen.

Pearl Attacker Spawn
Attacker side spawn
Credit: Riot Games
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
ATTACKER SIDE
Attacker side spawn
Pearl Defender Spawn
Defender side spawn
Credit: Riot Games
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
DEFENDER SIDE
Defender side spawn
Defender side water
Defender side records

A side ng Pearl

A SIDE
A restaurant
A art
A main
A link
A site
A dugout
A flowers
A secret

Mid portion ng Pearl

MID
Mid top
Mid shops
Mid plaza
Mid doors
Mid connector

B side ng Pearl

B SIDE
B club
B ramp
B main
B link
B site
B tower
B tunnel
B screen
B hall

Tulad ng Haven, ang Pearl ay isa sa ilang maps sa Valorant na walang pinto, ropes, o teleporters, na nangangahulugang walang shortcuts para mag-rotate sa mapa o ano mang paraan para i-deny ang entry ng kalabang team. Sa halip, ang importante sa Pearl ay ang malaman kung kelan ka gagalaw sa pasikot-sikot ng map.

Kung masyadong maaga ang pag-rotate ng defenders, magbibigay ito ng opening sa attackers. Kung mahuli naman ang pag-rotate ay hindi mo masusuportahan ang iyong team sa oras para ma-hold ang mga kalaban.

Samantala, ang mga attackers naman ay amraming iba’t ibang daan na pwedeng gamitin. Magiging mahalaga ang mid control, dahil marami itong walkways at daan patungo sa parehong bomb sites at pati na rin sa mismong defender spawn.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.