Para mapanatiling kasiya-siya ang dinamiko ng laro, patuloy na pinupuno ng Riot Games ang Valorant Battle Passes ng samu’t-saring references mula sa community at sa pop culture.
Sa paparating na Valorant Episode 5 Act 1 Battle pass, bibigyang-pugay ng game developer ang mga kaganapan sa ranked games sa pamamagitan ng iba’t-ibang sprays at gun buddies. Target nitong magpapagaan ng loob ng players na naumay dahil bigo sa competitive queue, gayundin ay makapag-diwang ng small wins in-game.
Ang Battle Pass (BP) dawn a ito ay ginawa sa layuning iparamdam sa mga players na parte sila ng best pf the best, ani ng Riot Games Producer na si Laura Baltzer. “Look closely and you’ll find all sorts of items that help you express dominance on your path to victory.”
5. Heavy Lifting gun buddy

Panalo ang lahat ng gun buddies na mayroon sa BP na ito, mula sa mga kakatuwang Tactical Surprise na mula sa nakaka-adik na Gashapons, hanggang sa Perfect pattern Jett doll na mistulang reperensiya mula sa survival horror game na Identity V.
Ngunit ang pinakabida sa lahat ay ang Heavy Lifting gun buddy na tampok ang “1V5” label sa kettlebell nito. Shoutout sa lahat ng taga-buhat at clutch players diyan.
4. No Duelist No Problem, Sage Signal, at Waddle Walk sprays

Siguradong matutuwa ang Sage mains kapag nakita nila ang Sage Signal sa random na mga pader in-game. Hango sa animated series na Caped Crusader, ito ang kailangan sa mga pagkakataong gigil ang duelist ng team na magpa-heal.
At kung nangangamba pa rin sa kakayahan ng Sage na kumamada, maiging i-check out mo yung No Duelist, No Problem spray. Ito ay para sa lahat ng hindi duelist main: nawa’y maging pampakalma ang spray na ito sa mga pagkakataong kinakailangang magbuhat dahil instalock ang duelists sa team.
Isa pang spray na maaaring ma-spam bago at pagkatapos ng bawat round ay ang animated Waddle Walk. Ito ang Valorant version ng walking on sunshin na tampok ang Power Walk na pinasikat ni Vince McMahon ng WWE.
3. Joke’s Over, Enter the Duelists, at Operation: Vacation player cards

Kumpletos rekados ang BP na ito. Pinapatamaan ng Joke’s Over ang Phoenix players na nasaksak dahil sa maling posisyon kapag gumagamit ng “Run it Back” ultimate. Nakakatawa, oo, ngunit hindi puwedeng ismolin ang karakter dahil malapit na daw itong makakuha ng buff.
Samantala, Avenger-esque naman ang dating ng Enter the Duelist, gaya ng mga pagkakataong nakaharap ka ng nakakabuwisit na duelist five-stack. Ipinapakita naman sa Operation: Vacation ang dulas ni Brim sa mga chics.
2. Shimmer weapon skins

Kasama din sa Battle pass ang bagong skin lines na mistulang namamanaag ng kakaibang enerhiya. Ang Shimmer Skins na ito ay may apat na variants.
Swak din ang skins sa tema ng BP. Kasama din sa Glimmer line ang Judge skin na may nakakamanghang glitter canisters.
1. Task Force 809 o Spitfire weapon skins
Nahirapan kaming pillin kung ano ang skin line na karapat-dapat sa top spot sa listahang ito dahil parehong pasok sa tema kaya naman pareho naming isinama ito.
Ang Task Force 809 ay para sa mga players na gusto ng skin line na maangas at tapat lang trumabaho sa laro. Sleek at no-nonsesne ang set at may melee “that makes those calculated backstabs intensely satisfying,” sabi ni Baltzer.
Ang Spitfire skin line Naaman, ay ang “artistic take on those players who just press W and want their weapons to reflect that as well,” paliwanag parin ni Baltzer. Ito daw ang katumbas ng pagsugod sa paglabas dito ng walang bahid. Blaze of glory ang nais?
Lumabas na ang Valorant Episode 5 Act 1 Battle Pass noong June 22. Ito ay kasabay ng pagdating ng Prelude to Chaos collection at pagdaragdag ng Pearl sa map pool.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Ang Stranger Things actress na ito ay isa ring Valorant streamer