Mariing inaabangan ng mga fans ang pagbabalik ni Michael “Shroud” Grzesiek sa competitive scene mula noong inihayag nya ang kanyang plano na sumali sa Valorant Champions Tour.

Noon ay binanggit nyang kasali sina Jordan “n0thing” Gilbert at Shawn “ShawnBM” Myers sa kanyang team.

Ngayon, alam na natin kung sino-sino ang mga kasali sa kanyang Valorant team.

Ibinunyag sa publiko ang buong team line-up sa pamamagitan ng sunod-sunod na announcement sa Twitter, kasama dito ang dating C9 teammate at mga talents mula Apex Legends at CS:GO.

Ang VCT team ni Shroud ay binubuo ng mga streamers

Ang team roster ni Shroud ay ang sumusunod:

  • Timmy “iiTzTimmy” An
  • Leonardo “Laski” Arroyo
  • Shawn “ShawnBM” Myers
  • Skyler “Relyks” Weaver
  • Michael “Shroud” Grzesiek
Valorant iiTzTimmy VCTNAStage3
Screenshot by Mika Fabella/ONE Esports
Valorant Relyks ShawnBM VCTNAStage3
Screenshot by Mika Fabella/ONE Esports

Ang team ay binubuo ng mga dating FPS pros na naging streamer.

Si Skyler “Relyks” Weaver ay aktibong sumasali sa VCT NA hanggang April ng taong kasalukuyan noong umalis sya sa kanyang team na Cloud 9. Ito ang unang paglabas ni Relyk VCT mula noong VCT NA Stage 2 Challengers 1.

Matagal naman nang naanunsyo sa stream ang pagiging parte ng team na ito si Shawn “ShawnBM” Myers.

Si Leonardo “Laski” Arroyo ay isang professional CS:GO player na lumipat sa Valorant noong unang ilabas ang game. Ito ang unang beses nyang tatapak sa pro scene.

Isa ring FPS streamer si Timmy “iiTzTimmy” An na may malaking following. Sya ang may hawak ng world record para sa pinakamataas na damage na nagawa sa isang Apex Legends game na mahigit 9000.

Nabalita rin sya nang itawid nya ang kanyang rank mula Bronze hanggang Master sa isang derechong 33-hour stream. Tulad ni Laski, ito rin ang kanyang Valorant debut.

Ang VCT NA Stage 3 Challengers 2 ay magsisimula sa July 23. Ang Main Event ay gaganapin mula July 30 hanggang August 2.