Ang Riot Games ay maglalabas ng mga bago at mas mahigpit na hakbang upang labanan ang toxic behavior sa Valorant.

Simula sa July 13, ang developer ay magsisimula ng isang paglulunsad ng isang voice chat evaluation system sa North America. Ito ay upang tulungan na sanayin ang kanilang language models – kahit na sa wikang English lamang – at maihanda ang technology para sa isang beta launch sa taong ito.

Ang layunin nito ay magkaroon ng maaasahang paraan ng pagkolekta ng malinaw na ebidensya na makakatulong na mapatunayan ang ano mang paglabag sa behavioral policies bago umaksyon ang Riot. Dagdag pa dito, bibigyan nito ang Riot ng paraan upang magkaron ng kongkretong dahilan kung bakit nagresulta sa parusa ang mga particular na paglabag.

Makikinig ang Riot sa inyong Valorant voice chat para i-train ang kanilang mga language models

Valorant Voice Chat Evaluation
Credit: Riot Games

Noong April 2021, in-update ng Riot ang kanilang Privacy Notice at Terms of Service upang payagan silang i-record at suriin ang mga in-game voice communications sa tuwing may report na naipasa.

At sa wakas ay handa na silang gamitin ang pagbabagong ito. Ang desisyong ito ay bahagi ng isang mas malaking aksyon na nagsusumikap na labanan ang tinatawag na “disruptive behavior”, kung saan unan itong ilulunsad sa Valorant. Ibig sabihin, ang teknolohiyang ito ay makakarating din sa iba pang games ng Riot, gaya ng League of Legends.

Gayunpaman, ang voice evaluation ay hindi muna gagamitin para sa mga disruptive behavior reports sa kasalukuyan. Magsisimula lamang ito sa isang future beta, ayon sa Riot.

“We know that before we can even think of expanding this tool, we’ll have to be confident it’s effective, and if mistakes happen, we have systems in place to make sure we can correct any false positives (or negatives for that matter),” sabi ng Riot.

Tulad ng maraming online games, malaking problema ang toxicity sa Valorant. Umaasa ang Riot na makalikha ng mas ligtas na kapaligran kung saan magkakasama-sama ang lahat, at ang bagong voice chat evaluation system ay isang malaking bahagi ng vision na ‘yan.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.