Kung bibilangin mo kung ilan ang mga Pinoy na characters na mayroon sa mga video games, siguro darating ka sa numerong pito. 

Kasama na dito sina Josie Rizal ng Tekken, si Lapu-Lapu ng Mobile Legends: Bang Bang, at ang pinakabagong labas na Filipino character sa Valorant, si Neon. 

Sumikat ang Valorant agent na ito sa video game industry bilang kauna-unahang Filipino character sa isang Riot Games title, winawagayway ang watawat para sa lahat ng mga Pinoy gamers. 

Si Neon ang electrifying agent ng laro, at dinisenyo siya bilang isang maliksing duelist sa Valorant. Siya ay may kayumangging balat at may matingkad na asul na bahot na may kaonting dilaw. Ang mga abilities niya ay pinukaw sa madalas na blackouts sa Manila, sinabi ng Lead Concept Artist na si Gem “Lonewingy” Lim sa dev blog ng Valorant

Maliban sa kaniyang disenyo, nangingibabaw si Neon kumpara sa iba pang mga FIlipino video game characters dahil sa kaniyang tunay na representasyon ng Pilipinong kultura. Maririnig ito sa mga voice lines niya na gumagamit ng mga pangkaraniwang kasabihan na ginagamit ng mga Pinoy tulad ng “hoy,” “halika na,” at “ayos.” 

Sinadyang kunin ng Riot Games ang Filipino voice actress na si Vanille Velasquez para magbigay buhay sa Valorant agent na ‘to. 

Isang dekada nang nasa voice acting industry na si Vanille Velasquez, pero ginawa niya lang ito bilang isang propesyonal na trabaho noong 2016. Siya ang boses sa likod ng bida sa “Jelly, Ben & Pogo,” si Lola Tsorang sa Filipino video game na “Bayani,” at sina Lisa at Lana sa Tagalog dub ng “The Loud House.” 

Sa isang panayam sa ONE Esports, ibinahagi ni Vanille Velasquez ang kaniyang karanasan kasama ang Riot Games, kung ano ang tingin niya sa Filipino representation sa video games, at kung paano siya nagsulat ng kasaysayan bilang unang Pinoy na nagboses sa dalawang Riot Games characters. 

Vanille Velasquez: ‘There’s heart behind Neon’s creation’ 

Vanille Velasquez
Credit: AJCQ Photography

Sa isang industriyang dominado ng mga American at Japanese game developer companies, minsan lang makakakita ng representasyong Pinoy sa mga video games. Hindi araw-araw na makakakita ka ng mga characters na kayumanggi, pango, at may walis tambo sa kanilang kwarto. 

“I grew up playing video games and when I was young, it didn’t really occur to me why there weren’t a lot of Filipino characters in the games that I played,” ibinahagi ni Vanille Velasquez sa isang panayam sa ONE Esports.  

“It was only really when I grew older and I started wondering, ‘Oo nga noh, how come we’re not really seen in video games as much as other races?’ Everybody deserves to see themselves in media that they love, ‘di ba?” 

Vanille Velasquez tweet
Screenshot ni Kristine Tuting/ONE Esports

Kaya noong nakuha ni Vanille Velasquez ang role ni Neon, alam niyang dapat pagbutihin niya ‘to. Tulad ng sinabi ni Miss Univerze 2015 Pia Wurtzbach, itinuring ni Vanille Velasquez ang voice acting bilang isang “honor” at “responsibility.” 

“I feel like there are these really high expectations about how Neon’s going to be,” she said. “I was feeling the pressure, but I just gave it my all and I hope that it showed in my performance.” 

At iyon na nga ang nagyari. Nagiwan ng impresyon si Vanille Velasquez hindi lang sa Filipino gaming community, ngunit pati na rin sa global Valorant scene sa kaniyang unang major voice acting stint. 

Pinuri siya sa kaniyang mahusay na pag-deliver ng mga Tagalog voice lines ni Neon, kagaya ng araw-araw na sinasabing “tara na,” “salamat,” at kahit ang “psst!” na ginagamit ng mga Pinoy para makakuha ng pansin. 

Talagang Pinoy na character si Neon hindi lang sa kaniyang mga voice lines kundi pati na rin sa kaniyang disenyo. 

“There are actual Filipinos behind her creation,” Vanille Velasquez explained. “In my opinion, it really shows that there was heart behind her creation. These are people who are passionate about seeing themselves in the media who created her.” 

Tinutukoy ni Vanille ang Riot Games designer na si Ryan Cousart. Si Cousart, kasama na ang iba pang mga Pioy na Riot Games staff tulad ni Lonewingy, ang nagtrabaho kay Neon. Kasama na dito ang kaniyang konsepto, art, at lore. 

Go on and entertain me, Neon 

Valorant Neon
Credit: Riot Games

Sa pagtatrabaho ng mga Pinoy Riot Games staff behind-the-scnes at sa pag-voice ni Vanille Velasquez, handa na mag-debut si Neon sa mga Valorant servers. 

Ang singer at actress na si Ylona Garcia ang huling parte ng Filipino powerhouse sa likod ng launch ng agent na ‘to. Ang kaniyang single, “Entertain Me,” ay lumabas sa isang Valorant cinematic ni Neon at nakatulong para maipakita ang pagmamahal ng Pinas sa pagkakanta at karaoke, isang sikat na pampalipas oras sa bansa. 

“When Neon was doing karaoke in her room with a toothbrush, I was like, ‘Yes, that is me!’” Vanille Velasquez exclaimed. “Very relatable.” 

Isang natural si Vanille Velasquez sa pagkakanta at nag-uupload pa ito ng mga song covers sa kaniyang YouTube channel. Siya pa ay fan ni Ylona Garcia at mahilig kantahin ang kaniyang single na “All That.” 

Ang pinag-isipang konsepto at character design ng Riot Games, ang nakakabighaning kanta at vocals ni Ylona Garcia, at ang mahusay na delivery ni Vanille Velasquez ang nagsilang sa Valorant agent na si Neon. 

Ang paglabas ni Neon ay magiging isa sa pinaka-tunay na video game characters na nagrepresenta ng kultura ng Pilipinas, hindi lang para makita ng buong mundo, ngunit para na rin sa mga Pinoys. 

“I feel really, really happy that the current generation of Filipino gamers will have this,” sinabi niyang nakangiti. 

Puntahan ang opisyal na website, Twitter, Instagram, at TikTok accounts ni Vanille Velasquez dito. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang panayam, balita, gabay, at highlights tungkol sa Valorant.