Isang malaking pasabog ang plano ng Riot games para sa pagsisimula ng VCT 2023.

Ang bawat team na makakapasok sa kanialng partnership program ay iimbitahang makilahok sa pinakamalaking international tournament sa kasaysayan ng VCT.

Inanunsyo ng Riot Games na ang tournament ay gaganapin sa Sao Paulo, Brazil – ang unang international Valorant event na magaganap sa Latin America.

Upang pataasin pa ang pusta para sa mga lalahok na teams, ang mananalo sa tournament ay makakakuha rin para sa kanilang league ng isang extra slot sa unang masters event ng 2023 season.

Simula 2023, ang top-level ng Valorant ay katatampukan ng tatlong international leagues, na binubuo ng EMEA, Pacific, at Americas leagues.

Ang VCT 2023 season ay sisimulan ng pinakamalaking Valorant tournament na ginawa ng Riot Games

VCT 2022 Masters Copenhagen
Credit: Riot Games

Ang mga teams ay lalaban sa isang three-week tournament, kung saan ipapakita ng mga esports organizations ang mga Valorant rosters na kanilang binuo noong offseason.

Sa sampung teams sa bawat liga, ang event ay magkakaroon ng kabuuang 30 teams, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Valorant. Ang pinakamalaking Valorant tournament sa ngayon ay ang Champions, na meron lamang 16 teams.

Ang kickoff tournament ay magiging isang “one-time event,” na magsisimula sa February at magtatapos sa March. Mula dito, ang unang competitive split ng taon ay magsisismula sa mga weekly LAN competition sa bawat isa sa tatlong liga.

Malaking pagbabago ang magaganap sa  VCT 2023 season sa oras na magtapos ang Valorant Champions 2022. Ang bagong three-league format ay magsisimula sa susunod na taon, tulad ng sistemang ginagamit ngayon sa League of Legends esports.

Tanging mga piling organizations lamang sa partnership program ng Riot Games ang makakalahok sa mga bagong international leagues, na nangangahulugang maraming teams ang hindi makakasali.

Gayunpaman,magbibigay ang Riot ng direktang paraan para makakuha ang mga teams ng spot sa kani-kanilang mga liga sa pamamagitan ng Challengers Ascension tournaments, na maaring maging daan upang manatili ang mas maraming organisasyon sa game.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.