Handa nang maglaban-laban ang mga nangungunang European Valorant teams sa paparating na VCT EU Stage 3 Challengers 2 Main Event kung saan dalawang teams ang makakapasok sa playoffs.
Ang mga VCT Stage 2 Masters Reykjavik representatives na Team Liquid at Fnatic ang mga main headliners ng event, dahil ang parehong teams ay susubok na mag-qualify para sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Ano ang VCT EU Stage 3 Challengers 2 Main Event?

Sa tournament na ito mapagpapasyahan kung sino ang huling dalawang teams mula sa European region ang makakapasok sa VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs.
Ang dalawang teams na makakapasok sa Grand Final ng event na ‘to ay makakasama ng winners ng unang Main Event sa VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs.
Ang top four finishers mula sa VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs ay uusad patungong VCT Stage 3 Masters Berlin.
Schedule at resulta ng VCT EU Stage 3 Challengers 2 Main Event

Ang Main Event ay magsisimula sa July 28 at magpapatuloy hanggang August 1 kung saan ang final two teams ay aabante papuntang VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs. (Ang lahat nang oras ay nasa GMT+8)
(To be updated)
Format ng Main Event

Ang Main Event ay susunod sa isang double-elimination format kung saan ang walong teams ay maglalaban-laban sa best-of-three matches.
Ang lahat nang matches bago ang top 32 ay best-of-one matches lamang maliban sa Lower Bracket Final at Grand Final, na paglalabanan sa best-of-five series.
Mga teams na lalaban sa VCT EU Stage 3 Challengers 2 Main Event

May walong teams na nag-qualify mula sa VCT EU Stage 3 Challengers 2 Open at Closed Qualifiers:
- Fnatic
- Team Liquid
- Team BDS
- Rix.GG Thunder
- TENSAR
- Giants Gaming
- Team Vitality
- Alliance
VCT EU Stage 3 Challengers 2 Main Event prize pool

Ang tournament ay may prize pool na US$41,000 na hahatiin sa mga teams base sa kanilang final placing.
- First: US$17,500
- Second: US$11,500
- Third: US$7,000
- Fourth: US$4,500
Saan mapapanood ang VCT EU Stage 3 Challengers 2 Main Event?

Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga laban live sa Valorant Twitch channel at YouTube page.