Ang VCT Game Changers, ang initiative ng Riot Games upang makapagbigay ng oportunidad sa mga kababaihan at marginalized genders, ay narito na sa Southeast Asia.

Para sa VCT Game Changers, nakipag-partner ang Riot Games sa FSL, ang premier women gaming circuit sa SEA.

Ano ang VCT Game Changers SEA?

Ang VCT Game Changers SEA ay mangangasiwa buwanang series at tournaments. Ang event na ito ay ang katapat ng North American event na itinatag ng Nerd Street Gamers noong nakaraang March, kung saan ang female Valorant team ng Cloud9 ang naging kampeon.

Tulad ng North American counterpart, ang VCT Game Changers SEA ay naglalayong magbigay ng oportunidad at sapat na exposure sa high-level competitive play para sa mga kababaihan at marginalized genders sa Valorant SEA community.


VCT Game Changers SEA format at prize pool

Narito ang apat na stages ng tournament:

  1. FSL Open: Isang buwanang open tournament, kung saan ang top eight teams ay makakapasok sa playoffs. Ang FSL Open Playoffs ay sususnod sa best-of-3 double-elimination format, na may best-of-5 sa Grand Final. Sa Open, makakakuha ang mga teams ng points at placings sa Leaderboard. Ang top three teams sa Leaderboard ay makakapasok sa FSL Elite.
  2. FSL Open Overtime: Ang mga teams na pumwesto sa 4th hanggang 19th sa Leaderboards ay maglalaban-laban para sa tatlong spots sa para sa FSL Elite.
  3. FSL Wildcard: Ito ay bukas para sa mga teams na hindi nag-qualify para sa FSL Elite, o mga bagong teams na nais mag-compete sa VCT Game Changers SEA. Ang top two teams mula sa FSL Wildcard ang magku-qualify para sa FSL Elite.
  4. FSL Elite:  Ang huling tournament kung saan walo sa mga top teams sa SEA ang maglalaban-laban para sa kaunaunahang VCT Game Changers SEA Championship at sa prize pool na US$25,000.

Nagsimula na ang registration para sa FSL Open IV para sa buwan na ito, sa parehong teams at individuals. Ang tournament ay may buwanang prize pool na $5,000.


VCT Game Changers SEA schedule

Narito ang buong schedule:

FSL Open IV:

Registration: June 10-24
Open Group: June 26-27
Playoffs: July 1-4

FSL Open V:

Registration: July 6-15
Open Group: July 19-21
Playoffs: July 29 – August 1

FSL Open VI:

Registration: August 3-12
Open Group: August 16-18
Playoffs: August 26-29

FSL Open Overtime: September 2-5

FSL Wildcard:

Registration: September 9-19
Group Stage: September 25-26
Playoffs: October 1-3

FSL Elite: October 23, 24, 30, and 31


Kailan at saan mapapanood ang VCT Game Changers SEA

Ang unang playoffs, mula July 1-4, ay mapapanood ng live sa mga channels na ito:

Narito ang stream schedule:

  • Playoffs Day 1: July 1st from 8:00 p.m. to 11:30 p.m. GMT+8
  • Playoffs Day 2: July 2nd from 8:00 p.m. to 11:30 p.m. GMT+8
  • Semifinals: July 3rd from 12:00 p.m. to 7:30 p.m. GMT+8
  • Grand final: July 4th from 12:00 p.m. to 9:00 p.m. GMT+8

Para sa mga pinakahuling updates tungkol sa VCT Game Changers SEA, i-check out ang FSL sa FacebookInstagram, and Discord.