Naghahanda na ang Valorant para sa live audience para sa mga laro nito, katulad ng sa Korea. Magkakaroon ng in-person audience ang VCT Korea Stage 1 Challengers playoffs sa SAngam Colosseum sa Seoul, ayon sa Riot Games Korea. 

Ito ang magiging pangalawang Valorant event na may live audience, ang una ay ang First Strike: Korea noong 2020. Ang Korea ay kasalukuyang isa lamang sa mga VCT na rehiyon na maglalaro gamit LAN, at offline ang paglalaro ng mga teams simula pa ng umpisa ng Stage 1 Challengers Group Stage. 

Gaganapin ang playoffs mula March 17 hanggang 27 at maaring bilhin ang tickets online. 

Maaring suportahan ng mga fans ang VCT Korea sa kanilang labanan para sa isang pwesto sa Masters 

Valorant VCT Korea Stage 1 Group Standings
Credit: Riot Games

Ang top six teams mula sa Group Stage ang uusad sa next phase. Susunod ang Stage 1 Challengers playoffs sa isang double-elimination bracket, kung saan maglalaban-laban ang mga teams para sa isang pwesto sa kauna-unahang Valorant Masters event ng taon sa Iceland. 

Ang DRX Vision Strikers, On Sla2ers, at DAMWON Gaming ay may pwesto na sa playoffs, ngunit dahil sa anim pa na matches na natitira, up for grabs pa ang three slots. 

Maaring abangan ng mga fans ang iba’t-ibang on-site events, tulad ng isang half-time lottery event na gaganapin pagkatapos ng post-match interview. May pagkakataon rin ang mga fans na manalo ng mga goodies, tuald ng Valorant Challengers Korea swag kit, isang limited edition na Valorant mouse pad, at isang cap. 

Maliban pa diyan, ang mga laging bumibisita sa tournament venue ay may pagkakataon rin manalo ng mga kakaibang gifts na hinanda ng Riot Korea. Ang mga bibisita nang tatlo o mas higit pang beses ay maaring sumali sa lottery para sa isang Riot Fistbump gun buddy. 

Ipapamigay ang mga premyo sa March 29. 

Maaring bilhin online ang mga tickets, at nagsisimula ito sa 8,000 won (US$6).