Alam na ng mga fans at analysts na paboritong manalo ang Gambit Esports sa VCT Stage 3 Masters Berlin. Sila ay isang matinding kalaban ng Sentinels matapos manalo sa VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs.

Mas lumakas pa ang status nila bilang mga paboritong manalo sa lahat matapos nila durugin ang Crazy Raccoon sa Day 2 ng VCT Stage 3 Masters Berlin.

Nakamit ng Gambit Esports ang pinaka-dominanteng VCT Masters series win laban sa Crazy Raccoon 
Credit: Riot Games

Nagkaroon ng malinis na 2-0 win ang CIS powerhouse team na ito laban sa Crazy Raccoon. Natapos ang parehas na laro sa 13-1, at dahil diyan, ito ay naging pinaka-dominanteng panalo sa buong kasaysayan ng Masters.

Sa unang laro sa Bind, sinuko ng Gambit Esports ang kanialng bonus round, at hindi na sila bumalik pa. Napanalunan nila ang 11 rounds nang straight matapos niyan. Ang sentinel at Viper specialist ng Gambit Esports na si Ayaz “nAts” Akhmetshin ang naging map MVP sa kaniyang 18/9/5 KDA at 359 ACS (average combat score).

Sa unang laro sa Bind, sinuko ng Gambit Esports ang kanialng bonus round, at hindi na sila bumalik pa. Napanalunan nila ang 11 rounds nang straight matapos niyan. Ang sentinel at Viper specialist ng Gambit Esports na si Ayaz “nAts” Akhmetshin ang naging map MVP sa kaniyang 18/9/5 KDA at 359 ACS (average combat score).

Sa susunod na mapa na Icebox, napanalunan ng Gambit ang siyam na rounds straight sa simula, at dinurog nila ang Crazy Raccoon gamit ang kanilang malinis at methodical na play. Naglaro ang Gambit ng almost perfect match gamit ang mautak na paggamit ng agent utility, at mahusay na aim mechanics.

Gamit ang isang mabagal at matatag na playstyle, sila ay napaka-defensive, at laging nag-iingat sa mga counter plays ng kalaban. 

Bago ang panalo ng Gambit Esports laban sa Crazy Raccoon, nanggaling ang pinaka-dominanteng VCT Masters match wins sa Fnatic at Sentinels.

Sa VCT Stage 2 Masters Reykjavík, tinalo ng Fnatic ang KRÜ Esports, 13-5 sa Haven, at 13-4 sa Icebox. Nagkaroon din ng magkahawig na performance ang Sentinels laban sa NUTURN Gaming sa upper bracket final ng tournament matapos sila manalo nang 13-5 sa Bind at 13-4 sa Haven. 

Ang 2-0 win ng CIS team laban sa Crazy Raccoon ay ang magtutulak sa kanila papalit sa Playoffs sa Group C ng VCT Stage 3 Masters Berlin.