Magbabalik ang VCT NA Last Chance Qualifier ng Riot Games sa October 27, 2021 (Wednesday). Ang tournament ay manunumbalik sa online format tulad ng mga nakaraang VCT competitions mula Stage 1 at 2.

Ang VCT NA LCQ ay nakatakda sanang ganapin bilang isang live offline event sa Los Angeles, California kung saan ang mga matches ay lalaruin sa LAN sa October 13 ahnggang 18. Subalit ipinagpaliban ito matapos ang unang araw dahil sa ilang resulta ng mga COVID-19 tests ng ibang mga players.

Valorant North America LCQ Update 2
Credit: Riot Games

Noong October 14, ang mga players na sina Andrej “babybay” Francisty at Corey “Corey” Nigra ng FaZe Clan ay nagpositibo sa COVID-19. Hindi sila nakapaglaro sa main stage ng VCT NA LCQ dahil sa health guidelines ng Los Angeles County.

Nagpositibo rin sa COVID-19 si Ryan “Shanks” Ngo ng Rise kaya’t pinaglaro siya mula sa kanyang hotel room habang ang kanyang team ay naglalaro sa main stage. Nagdesisyon ang Rise na huwag laruin ang kanilang match laban sa FaZe Clan nang wala si Shanks sa main stage, at ito ang naging dahilan ng paghinto ng tournament.

VCT Last Chance Qualifier magbabalik sa online play sa October 27, 2021

Valorant VCT NA LCQ_Bracket
Credit: Riot Games

Nangunguna pa rin ang 100 Thieves sa VCT NA LCQ bracket. Dikit ang mga naging laban nila sa mga 2-1 series kaharap ang Gen.G Esports at XSET noong unang araw ng VCT NA LCQ.

Magpapatuloy ang tournament sa October 27, kung saan haharapin ng FaZe Clan ang Rise, at maglalaban naman ang Cloud9 at Version1 sa isang upper bracket doubleheader kung saan ang mananalo sa bawat series ay lalabanan ang isa’t isa.

Ang mananalo sa upper bracket semifinal ang lalaban sa 100 Thieves sa upper bracket final. Sa lower bracket naman, magtutuos ang Gen.G Esports at Luminosity Gaming sa October 29, 2021.

Ang lahat nang walong teams ay sumusubok mag-qualify para sa Valorant Champions, ang unang Valorant world championship ng Riot Games na gaganapin sa December 1, 2021.

Ang magwawagi sa VCT NA Last Chance Qualifier ay mapapasama sa Sentinels at Envy bilang mga representatives ng North America sa Valorant Champions.

Ang akdang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na katha.