Apat sa mga top teams ng North America ay nakatanggap na ng direct invites sa paparating na VCT NA Stage 2 Challengers Main Event, kinumpirma ng tournament organizer na Nerd Street Gamers

Hindi na kailangan lumahok ng The Guard, OpTic Gaming, Cloud9, at XSET sa open qualifiers, at sisimulan ni nila ang Stage 2 sa group stage sa May. 

Parehas ito sa format ng Stage 1, kung saan ang top four teams ng VCT 2021 season ay inimbita sa Main Event. Dati, ang Sentinels, Cloud9, OpTic Gaming, at 100 Thieves ang mga teams na nakakuha ng direct invite sa group stage. 

Kailangan mag-re-qualify ng Sentinels para sa VCT NA Stage 2 Challengers Main Event 

Valorant VCT NA Stage 2 Challengers Main Event
Credit: Nerd Street Gamers

Iilang major North American organizations ang kailangan malagpasan ang Stage 2 open qualifiers para umanga sa VCT NA Stage 2 Challengers Main Event.

Matapos mabigo makapasok sa top four ng VCT NA Stage 1, sasamahan ng Sentinels at 100 Thieves ang mga teams tulad ng TSM FTX at T1 sa qualifiers, kung saan makikipaglaban sila para sa walong natitirang spots sa group stage. 

Ang Version1 ay isa pang top contender na kailangan mag-requalify para sa VCT NA Stage 2 Challengers Main Event. Inasahang top team sa North America ang team na ‘to, matapos makakuha ng walang pagkatalo sa Stage 1 group stage. 

Ang top four teams mula sa bawat dalawang open qualifiers ay uusad sa Main Event. Ang unang open qualifiers ay maguumpisa sa April 28 at magkakaroon ng total na 112 teams ang event. 

Ang mga teams na makaka-pwesto sa 5th at 12th place ay mabibigyan ng una hanggang pang-walong seed sa pangalawang open qualifiers na gaganapin sa May 5 hanggang 8. 

Lalaruin ang mga matches sa isang single elimination format hanggang sa Round 32 na magkakaroon ng double elimination bracket. 

Hindi na lalaruin ang upper at lower bracket finals, at magtatapos ang tournament kapag nakapag-desisyon na ang top four teams.