Ang daan patungong VCT Stage 3 Masters Berlin ay magsisimula sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifier kung saan maglalaban-laban ang mga pinakamagagaling na teams sa North America para makaabante sa susunod na yugto ng tournament.
Ano ang VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifier

Ang tournament na ito ang umpisa ng VCT North America Stage 3. Ang top 8 teams mula sa Open Qualifier ay aabante sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Main Event. Mula dito, ang top 4 squads ay magpapatuloy sa Challengers Playoffs.
Ang top 3 finishers mula sa Challengers Playoffs ay makakapasok sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifier schedule at mga resulta

Ang Open Qualifiers ay magsisimula sa July 2, ang top 16 ay gaganapin sa July 5, kung saan ang top 8 teams ang makakapasok para sa main event. Ang lahat ng oras at araw ay GMT +8
Ang mga VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifiers games magsisimula sa 5:15 a.m. sa July 2. Ang schedule mapapalitan at magsisimula sa 3:15 a.m. mula July 3 hanggang 5.
(To be updated)
Format ng Open Qualifier

Ang Open Qualifier ay magkakaroon ng single-elimination format kung saan lahat ng teams mula top 32 hanggang top 16 ay maglalaro sa best-of-three matches. Ang mga laban bago ang top 32 ay best-of-one lamang.
Ang Breeze ay idadagdag sa map pool para sa VCT Stage 3 at magiging available sa Challengers Week 1 Open Qualifiers para sa lahat ng rehiyon.
Ang bagong agent na si KAY/O ay hindi magiging available para sa VCT Challengers Week 1. Ang agent ay sasabak sa competitive play sa Challengers Week 2 Open Qualifiers.
Mga teams na lalaban sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifier

Mayroong 122 teams na lalaban sa Open Qualifier kasama ang mga top squads gaya ng Cloud9, 100 Thieves, Team Envy, XSET, Build by Gamers, NRG, Andbox, TSM FTX, Immortals, Evil Geniuses, FaZe Clan, GenG Esports, Complexity, Renegades, at marami pang iba.
Ang mga champions ng VCT Stage 2 Masters Reykjavik na Sentinels at Version1 ay nabigyan ng byes sa Challengers Week 1 Open Qualifier Round of 32.
Saan mapapanood ang VCT NA Stage 3 Challengers 1 Open Qualifier

Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches live sa Valorant Twitch channel at YouTube.