Tatlong all-Filipino Valorant team ang sasabak sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs na gaganapin simula ika-13 ng Agosto.

Nakasalalay sa nasabing turneo ang dalawang tiket papuntang Berlin, Germany para sa VCT 2021: Stage 3 Masters, ang ikalawang international Valorant tournament ng Riot Games kung saan tampok ang 16 sa pinakamagagaling na koponan sa buong mundo.

Ang 3 Pinoy Valorant teams na maglalaro sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs

Bren Esports

VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs PH Rep: Bren Esports
Credit: PPGL
  • JessieVash
  • DubsteP
  • BORKUM
  • Dispenser
  • witz
  • Gibo. (Coach)

Bren Esports ang unang team mula sa Pilipinas na naka-qualify sa nasabing playoffs mula sa VCT Philippines Stage 3 Challengers 1. Binubuo ng mga dating Counter-Strike: Global Offensive, kinikilala ngayon bilang haring Valorant sa Pinas ang koponan bago pa magsimula ang Challenger series.

Naka-seed sa Group A ang Bren Esports kasama ang CBT Gaming mula sa HK & TW, EGO mula sa Vietnam, at Sharper Esports mula sa Thailand.

Galaxy Racer

VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs PH Rep: Galaxy Racer
Credit: PPGL
  • Ching
  • Karl
  • Yohann
  • Emman
  • Georggyyy
  • Tr1cks (Coach)

Matapos mabigo kontra Bren Esports noong Challengers 1, sinigurado naman ng Galaxy Racer na sila ang susunod na koponan mula sa Pilipinas na makaka-qualify sa playoffs. Pinangungunahan ng Big Three na sina Ching, Yohann, at Karl, nakatakdang patunayan ng grupo na hindi lang Bren Esports ang Valorant pride ng Pinas.

Naka-seed sa Group C ang Galaxy Racer kasama ang powerhouse na X10 Esports mula sa Thailand, Team Big BAAM mula sa Vietnam, at BOOM Esports mula sa Indonesia.

Oasis Gaming

VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs PH Rep: Oasis Gaming
Credit: PPGL
  • coco
  • Gadoerzz
  • Markyyy
  • Ripper
  • Kurtesy
  • Maark (Coach)

“Keep your stats, we prefer the magic.” Iyan ang naging mantra ng Oasis Gaming nang maselyo nila ang huling slot ng Pilipinas para sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs. Maituturing na ‘dark horse’ ang koponan lalo na’t noong ikalawang Challenger lang lang sila nakapagparamdam, pero matibay na ebidensya ang kanilang performance noong Challenger 3 na totoo ang magic.

Naka-seed sa Group D ang Oasis Gaming kasama ang UwU mula sa MY&SG, Alter Ego mula sa Indonesia, at CERBERUS Epsorts mula sa Vietnam.


Bukod sa slots para sa Masters Berlin, nakataya rin sa turneo ang pinakamalaking bahagi ng USD$100,000 na prize pool.

Makikita ang buong schedule, format, at stream ng VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs dito.