Malalaman na ngayong weekend kung sino ang sasama sa Bren Esports bilang kinatawan ng Pilipinas sa SEA Challengers Playoffs Stage 3 sa pagpapatuloy ng VCT Stage 3 Challengers PH Week 2.
Ano nga ba ang VCT Stage 3 Challengers PH Week 2?
Ang torneong ito ay ang nagsisilbing qualifier ng Pilipinas para sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs. Nakasalalay dito ang ikawalang slot ng Pilipinas para sa nasabing regional tournament, pati na rin ang PHP 259,000 na prize pool.
Schedule at resulta ng VCT Stage 3 Challengers PH Week 2

Nakatakdang ganapin ang turneo mula ika-23 ng Hulyo, kung kailan sisimulan ang quarterfinals, at ito ay magtatapos sa grand finals sa ika-25.
Ito ang schedule at pinakabagong resulta ng mga laban. Lahat ng oras at araw ay GMT+8.
Hulyo 23 (Biyernes)
- Quarterfinals — Galaxy Racer 2 — 0 Sierra Esports Atlas
- Quarterfinals — South Built Esports 0 — 2 Alpha Esports Pro
- Quarterfinals — UCFC Esports 0 — 2 SV Empire
Hulyo 24 (Sabado)
- Quarterfinals — Oasis Gaming 2 — 1 Zeal Esports
- Semifinals — Galaxy Racer 2 — 1 Alpha Esports Pro
- Semifinals — SV Empire 2 — 0 Oasis Gaming
Hulyo 25 (Linggo)
- 3rd Place Match — Alpha Esports Pro 0 — 2 Oasis Gaming
- Grand Final — Galaxy Racer 3 — 1 SV Empire
Format ng VCT Stage 3 Challengers PH Week 2
Naka-seed ang koponan sa single-elimination playoff bracket. Lahat ng laro ay best-of-three, liban sa grand final na best-of-five.
Mga kalahok sa VCT Stage 3 Challengers PH Week 2

Walong koponan ang maglalaban-laban sa nasabing turneo. Pasok ang mga koponang nagtapos sa ikalawa hanggang ika-apat na puwesto noong VCT Stage 3 Challengers PH Week 1 at kinumpleto ito ng limang teams mula sa open qualifier
Mga koponan mula sa Challengers 1
- Galaxy Racer
- Zeal Esports
- SV Empire
Mga koponan mula Open Qualifier

- Alpha Esports Pro
- Oasis Gaming
- SE Atlas
- UCFC Esports
- South Built Esports
Saan mapapanood ang VCT Stage 3 Challengers PH Week 2
Maaaring subaybayan ang palaro sa mga sumusunod na official broadcast channels ng PPGL: