Hindi na makababalik sa Iceland ang Masters Reykjavík champions Sentinels ngayong Abril. Ito ay matapos patumbahin ng Version1 ang North American powerhouse team sa lower bracket ng VCT NA Stage 1 Challengers, 2-1 para maagang tapusin ang kanilang playoff kampanya.

Nalahukan ng Sentinels ang tatlong international events noong 2021, at hinirang na kampyon ng Stage 2 Masters Reykjavík matapos ng kanilang magilas na kampanya kung saan hindi sila natalo ni isang mapa. Ang Stage 1 Masters tournament sa Icealand ang unang global LAN event na hindi makakalaro ang team.

Gayunpaman, hindi lang ang koponan ni Shahzeb “ShahZaM” Khan ang pamilyar na mukha na magiging absent sa Iceland. Katuwang nila ang 2021 Valorant Champions Acend na hindi nakalagpas sa VCT EMEA Stage 1 Challengers group stage, na nagbukas ng daan para sa ibang teams na ipakita ang kanilang bangis.


Walang Sentinels sa Stage 1 Masters

Credit: Riot Games

Iilan lamang ang umasang magtatapat ang Sentinels at Version1 ng maaga sa bracket. Matapos ang dominanteng 5-0 demolisyon ng Version1 sa group stage, marami ang nag-akalang sila rin ang mangingibabaw sa upper bracket at makakaharap ang Cloud9 sa upper final.

Gayunpaman, isang upset mula Luminosity Gaming ang sumipa sa Version1 pababa ng lower bracket kung saan nakaharap nila ang Sentinels.

Mala-alamat man ang ipinakita ni Tyson “TenZ” Ngo sa Haven sa 31/9/2 score, hindi nagawang makatawid ng Sentinels sa finish line.

Inamin naman ng mga koponan na wala sila sa tunay nilang porma ng sumalang kontra Version1. Right now, I am not even sure we are trying our best and it is disheartening. It feels like we are playing to not lose instead of win,” ani ni ShahZam.

“We look lost and are no longer taking these duels that we used to win. Especially compared to last year, it is not the same.”

Habang ang ibang miyembro ng team ay dinaan na lamang sa katatawanan ang mga naganap. “I know all the people shit-talking me right now would never say it to me at LAN because I won’t be there,” sulat ni Michael “dapr” Gulino sa Twitter.

Gayundin ang biro ni Jared “zombs” Gitlin na nag-tweet ng “LFT”, isang reperensya sa mga players na naghahanap ng koponan na makakalaro.

Sa likod ng lahat ng ito, hindi maitatanggi ang lakas ng Sentinels. Busog sa pinaka-talentadong mga players sa rehiyon ang roster ng team, at kapag naplantsa nila ang kanilang laro at maibalik ang kumpiyansa ng bawat isa ay malaki ang tiyansang mamayagpag muli sila sa Valorant esports eksena.