Maaring makakuha na ng kailangan nilang Operator player ang 100 Thieves. 

Habang nag-du-duo kasama ang sikat na Valorant streamer na si Tarik “tarik” Celik, pinahiwatig ng star duelist na si Peter “Asuna” Mazuryk na maaring sumali sa Valorant roster ng 100 Thieves si Matthew “Wardell” Yu, matapos ang kaniyang nakakagulat na pagalis sa TSM. 

Mukhang kinukumpirma nito ang isang ulat mula sa George Geddes ng Dot Esports na sinabing nasa top ng priority list ng 100 Thieves si Wardell. 

Patuloy na nahirapan ang team sa pagkuha ng tiyak na roles para sa bawat player. Ayon kay Spencer “Hiko” Martin, ang isa pa sa pinakamalaking problema nila ay ang kakulangan ng isang dedicated Operator player para maka-pokus si Asuna sa rifling. 

Ang sinabi ni Asuna sa pagsali ni Wardell sa 100 Thieves Valorant roster bilang kanilang bagong Chamber main 

Valorant 100 Thieves Asuna VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Asuna

Habang sila ay nasa agent select, na-call out si Asuna ni tarik dahil palagi siyang pumipili ng mga flex agents tulad nina Sage, Breach, at KAY/O imbis sa kaniyang duelist role. Dahil nag-e-ensayo ng bagong role si Asuna sa ranked, sinabi niya na maaring kukunin na ng 100 Thieves si Wardell na kilala sa kaniyang role bilang Jett. 

Ngunit sinabi ni Asuna na kahit na kunin ng 100 Thieve si Wardel, siya pa rin ang magiging primary Jett duelist ng team. Sa halip nito, maaring laruin ni Wardell ang French sentinel na si Chamber sa bawat mapa, ang isang agent na mukhang naging komportable siyang gamitin sa mga tournaments ng TSM. 

Mailap ang mga sagot ni Asuna at hindi niya kinumpirma o itinanggi kung sasali sa team si Wardell. Ngunit maaring masabi na kinonsidera na ng 100 Thieves ang dating TSM superstar dahil sa pinagusapan ni Asuna ang potensyal na role ni Wardell sa team. 

Valorant Asuna Wardell 100 Thieves
Screenshot ni Nigel Zalamea/ONE Esports

Pagkatapos ay umalis na sa stream si Yassine “Subroza” Taoufik ng TSM at sinabing, “Good luck and take care of him,” na parang sumali na si Wardell sa 100 Thieves. 

Umalis si Wardell ng TSM matapos madesisyunan na hindi siya sasali sa paglipat ng team sa Austin, Texas. Isa na siya sa pinaka-eligible na free agents sa Valorant scene ng North America na kilala sa kaniyang husay sa Operator. 

Patuloy na umikot ang tsismis matapos I-raid ni Wardell ang CEO ng 100 Thieves na si Matthew “Nadeshot” Haag sa isang Twitch stream. 

Klaro ang mga layunin ni Nadeshot para sa kaniyang team – ang manalo sa mga champioships. Bago lang kinuha ng organisasyon si Sean Gares bilang head coach at si Daniel “ddk” Kapadia bilang general manager ng Valorant roster. 

Sumali rin sa Valorant roster ng 100 Thieves sina Sean “bang” Bezerra at Noah “jcStani” Smith, ngunit sila ay naka-loan sa TSM at Pioneers. Ang ibig sabihin nito ay may kakayahan makipag-swap sila ng mga players bago magumpisa ang VCT NA Stage 2 Challengers qualifiers sa May.