Isa sa mga pinaka-kinakatakutang players sa Valorant si Jaccob “yay” Whiteaker. Ipinaliwanag na ng kaniyang pangalan na El Diablo ang lahat – isa siyang demonyo sa laro at kaya niyang buhatin ang isang buong team sa kaniyang likod. 

Ngunit kahit ang demonyo ay kailangan mag-ensayo pa din.  

Nakipag-team up si yay sa sikat na aim trainer na Aim Lab para makabuo ng isang custom task para sa kaniyang mga kakaibang pangangailangan, kaya kung gusto mong pahusayin pa lalo ang iyong Valorant warm-up routine, maari kang magsimula dito. 

Naka-pokus sa tracking at micro-adjustments ang warm-up routine ni yay ng Valorant sa Aim Lab 

Valorant yay Aim Lab
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ibang-iba ang warm-up routie ni yay kay Tyson “TenZ” Ngo, isang player na gumawa rin ng kaniyang custom Aim Lab task. Habang gusto gumawa ni TenZ ng isang high-pressure situation kung saan kailangan talunin ng mga players ang maraming targets na papalapit, naka-pokus si yay sa kaniyang tracking at micro-adjustments. 

Demanding ang task na ito pagdating sa precision, dahil kailangan mong tirahin ang mga maliliit na gumagalaw na targets na lalabas sa iyong screen. 

“This scenario really helps you train your tracking. When a target appears on your screen, you should be able to predict where it’s going and be able to hit relatively precise shots on it,” sabiu ng OpTic Gaming star. 

Walang saysay ang pagamit ng isang aim tracker kung hindi makiktia ang mga mechanics na ito sa laro, kaya ginusto ni yay gumawa ng isang task na kagayaha ng mararanasan mo sa Valorant. 

“My goal with this task was to practice hitting targets moving back and forth with realistic movement, similar to what you see in game,” ipinaliwanag niya. 

“The only time I really got that was in Deathmatch, and even then people would troll or they would run around in a way that they never would in an actual game. I wanted something that would really challenge my aim and force me to do a lot of micro-adjustments.” 

Available ang Aim Lab nang libre sa Steam. Maari mong I-download ang Aim Lab task ni yay dito

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Improve your tracking with yay’s Valorant warm-up routine in Aim Lab.